Home>Entertainment>Showbiz>Edu matindi ang pinagdaanan sa buhay

Edu matindi ang pinagdaanan sa buhay

Edu Manzano
Edu Manzano with his children, Enzo, Luis and Addie Manzano

APAT na dekada na rin sa showbiz ang mahusay na actor-host, celebrity endorser, entrepreneur and former politician na si Edu Manzano who turned 65 nung nakaraang September 14. He is the proud father of three successful children, ang magaling na host-actor, celebrity endorser and entrepreneur na si Luis Manzano (sa kanyang ex-wife, ang Star for All Seasons-turned politician na si Vilma Santos) at sina Enzo at Addie (sa kanyang ex-girlfriend na si Rina Samson) na parehong nasa New York City, USA taking up their master’s degree after graduating from their respective courses in De la Salle University at Ateneo.

When asked kung kumusta na ang lagay ng kanyang puso ngayon, sinabi ni Edu na masaya at inspired umano siya dahil sa kanyang tatlong anak. Ang panganay na si Luis is turning 40 on April 21, 2021.

One of his bonding moments with his children ay ang kanilang yearly trip abroad na hindi natuloy this year dahil sa pandemya pero umaasa siya na sana’y matuloy ito sa isang taon when things get better.

Plano rin sana nila ng kanyang mga kapatid na sina Gigi and his twin brothers na sina Mari and Ricky na mag-travel abroad pero hindi rin ito natuloy.

Si Edu ay isinilang sa San Francisco, California, USA at limang taon umano siya nang pumunta sa Pilipinas with her elder sister na si Gigi sakay ng isang cargo ship (na kakilala umano ng kanyang Mommy) kaya libre ang kanilang pamasahe. Pero dahil iba’t ibang cargo ang kanilang kasabay, wala silang maayos na tulugan. Palibhasa’y mga bata pa sila ng elder sister, panay umano ang kanilang pagtu-throw-up habang naglalayag ang barko.

Sa Amerika man ipinanganak si Edu (to Filipino parents na sina Adrian and Rosario Manzano), sa Pilipinas siya lumaki at nagka-edad. He was 17 years old nang siya’y sumailalim ng training sa US Air Force at nagpa-enlist siya sa Clark Air Base sa Pampanga. It was during the Vietnam war. Pero pagkaraan ng apat na taon ay nag-quit si Edu sa USAF para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa De la Salle University where he graduated.

Naghanap ng work si Edu at ang una niyang trabaho sa Pilipinas ay bilang personal assistant ng veteran singer na si Basil Valdez who was very popular at that time at tumagal siya sa trabahong ito sa loob ng 2 years and a half. Kasunod na rito ang kanyang pagiging writer ng TV program na “Ariel con Tina” nina Ariel Ureta at Tina Revilla, isang mid-day show in 1975 sa BBC Channel 2 in Broadcast City.

Minsan, hindi umano dumating ang isang guest ng programa at biglaan ay siya ang ginawang stand-in para sa guest na `yun na ikinabigla rin ni Edu. Pero kabisado umano niya ang linya dahil siya ang nagsulat at ito ang naging daan ng hindi inaasahang pag-aartista.

Unang movie ni Edu ang pelikulang “Romansa” in 1979 but was launched bilang lead actor sa pelikulang “Alaga” in 1980 na prinudyos ng veteran fashion designer na si Christian Espiritu.

Bukod sa pagiging isang mahusay na actor, naging competent talk show host din si Edu na kanyang sinimulan sa “Not So Late Night with Edu” sa ABS-CBN in 1986. Kasunod na rito ang pagiging host ng iba’t ibang game shows ng Kapamilya channel tulad “Pilipinas, Game KNB?” at “Family Feud” at “The Weakest Link” ng IBC, “Game `n Go” ng TV5, “Asar Talo Lahat Panalo” 8.88 at iba pa. Naging in-demand din siya bilang lead actor sa mga pelikula at maituturing siyang young Eddie Garcia dahil kaya niyang maging bida at kontrabida sa roles na ginagampanan.

During the 1990’s ay naging pangulo si Edu ng KAAPPT, ang samahan ng mga actors sa pelikula at telebisyon. Naging chairman din siya ng Optical Media Board (OMB) nung 2004 at nanilbihang vice-mayor ng Makati in 1998. He tried other positions in politics tulad ng Vice-President, senador at congressman but failed. But he admits that public service is truly in his heart.

Edu is also a successful entrepreneur and retiring is far from his immediate plans.

“There are still other things that I wanted to do and explore,” pahayag ni Edu sa aming exclusive interview sa kanya para sa aming “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube.

Burol ng ama ni Ice masaya

Ice Seguerra
Daddy Dick with Mommy Caring, Ice and Liza with relatives

NAUNA kami ng friend kong si Ricci Ang (ng Ricci’s Kitchen) sa unang gabi ng wake ni Daddy Dick (Decoroso Seguerra), ang butihing ama ng singer-actor at dating child superstar na si Ice Seguerra last Tuesday (Nov. 17) evening sa St. Peter’s Chapel along Quezon Avenue corner Scout Chuatoco in Quezon City para makaiwas din sa dagsa ng mga taong makikiramay.

Nasa loob na kami ng chapel nang ipasok ang kabaong na kinalalagyan ni Daddy Dick kasunod ang mga pulang rosas na siyang nakapaligid at nakapalamuti sa kabaong ng ama ni Ice.

“Gusto kasi ni Daddy na masaya ang atmosphere ng kanyang burol sa halip na maging malungkot kaya nagsadya si Liza (Dino-Seguerra) sa Dangwa para pagpapagawa ng red roses flower arrangements para kay Daddy,” kuwento ni Ice na inabutan na namin sa burol kasama si Mommy Caring at nakababatang kapatid na si Juan-C (Juan Carlos).

Pagkabukas ng kabaong ni Daddy Dick ay agad kaming inimbihan ni Ice na silipin ito. Sa halip na malungkot ay natatawa ang mga sumisilip kay Daddy Dicky dahil para itong rock star na nasa loob ng kabaong. Suot nito ang kanyang paboritong black jacket at naka-shades.

“Ayaw ni Daddy na may iyakan sa kanyang pagpanaw. Masayahing tao kasi siya nung nabubuhay pa,” kuwento pa ni Ice na sinusugan naman ni Mommy Caring.

Minana ni Ice ang magandang boses sa pagkanta sa namayapang ama. Kanta raw ito ng kanta kahit sa kanyang sick bed.

Samantala, hanggang ngayong araw na ito ng Biyernes, November 20 ang huling burol kay Daddy Dick at bukas ng alas-3 ng hapon ang kanyang cremation.

“Iuuwi muna namin siya sa bahay,” ani Ice.

Sa nakita namin kina Ice, Mommy Caring at Juan-C, maluwag sa kanilang kalooban ang paglisan ni Daddy Dick at natupad nila ang mga kahilingan nito bago ito namaalam.

“Masayang lumisan si Daddy,” pagtatapos ni Ice.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger