Edward mahihirapang wala si Maymay

May 31, 2019
Maymay Entrata and Edward Barber
Maymay Entrata and Edward Barber

PINOY Big Brother discovery Edward Barber plays his cards well.

Masuwerte ang young star dahil nag-click ang tandem nilang dalawa ng PBB Season 7 grand winner na si Maymay Entrata. Kaya hindi sila nawawalan ng project. Pero aminin o hindi, si Maymay ang nagdadala ng kanilang loveteam.

Marahil naging eye-opener kay Edward ang nangyari sa showbiz career ng kanyang best friend na si Marco Gallo. The latter was first paired with Kisses Delavin. Pero maaga rin itong nabuwag. Kaya marahil alam niyang sakyan ngayon kung saan patutungo ang loveteam nila ni Maymay. Dapat lang dahil mahihirapan siya 'pag nag-solo siya. Dahil sa ngayon, malakas ang MayWard. Sa katunayan, nabigyan na siya ng big break na bumida sa isang programa. Edward co-topbills with Grae Fernandez in the ongoing fantaserye "Hiwaga ng Kambat." Siyempre, katambal pa rin niya si Maymay pero mas naka-focus ang kuwento sa kanyang karakter. Sold out din ang kanilang album launch. In short, naaambunan siya sa kasikatan ni Maymay. At siguradong alam ito ni Edward kaya todo-alaga siya kay Maymay. But to be fair, may improvement sa kanya. Magaling na rin siyang magsalita ng Filipino. At kitang-kita naman na gustong-gusto niya ang kanyang ginagawa.

Sa dami ng mga nagsusulputang loveteam, bakit kaya pumatok ang MayWard? Mauuwi rin ba kaya ang kanilang loveteam sa totoong buhay? Just asking...

Disclaimer:

For comments and reactions, text or call 0908-603-2179 or email us at justasking_pj@yahoo.com