Home>Entertainment>Showbiz>Elijah naiyak sa ginawa ng fans

Elijah naiyak sa ginawa ng fans

Elijah Alejo

HINDI napigilan ng Prima Donnas star na si Elijah Alejo ang maiyak dahil sa inihandang sorpresa ng kanyang fans club bilang pagdiriwang ng kanilang 9th anniversary sa isang virtual celebration.

Aniya, “Kung nagtataka po kayo kung bakit medyo mugto ‘yung mata ko kasi kanina nag-Zoom celebration po kami ng Elijahnatics, pinaiyak po nila ako. Pero kahit po pinaiyak po nila ako, e, love ko naman po sila. Masyado po akong natuwa kaya po umiyak ako.”

Hindi nakalimutan ni Elijah na pasalamatan ang kanyang loyal fans sa kanilang patuloy na pagsuporta sa kanya since 2010 nang pasukin niya ang mundo ng showbiz.

“Thank you dahil pinaparamdam niyo sa akin kung gaano ninyo ako kamahal, everyday. Kasi sa mga chat lang, pinaparamdam ninyo sa akin ‘yung suporta ninyo sa lahat ng bagay. Thankful ako na nandyan kayo para sa akin, thankful ako sa mga effort na ginagawa ninyo. Hinding-hindi ako magsasawang pasayahin kayo,” say ng aktres.

Samantala, habang hindi pa nagbabalik-taping si Elijah para sa serye, napapanood pa rin siya at ang iba pang cast ng top-rating GMA Afternoon Prime series sa ‘Prima Donnas: Watch From Home.’ Bisitahin lang ang gmanetwork.com/GETS or GMA Entertainment Shows Online para sa exclusive news and content ng inyong paboritong Kapuso shows.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal