Elisse na-awkward sa balitang nililigawan ni McCoy si Miles

September 27, 2019

SA grand launch ng bagong endorsement ng young Kapamilya star na si Elisse Joson, ang Cathy Doll Ready 2 White skincare product (from Thailand) na ginanap sa Activity Center ng Ayala Cloverleaf in Quezon City last Wednesday (September 25) afternoon, hindi  ikinaila ng  young actress na nakaramdam umano siya ng pagka awkward nang malaman niyang si Miles Ocampo ang bagong nali-link ngayon sa kanyang ex-boyfriend na si McCoy de Leon pero wala naman daw siyang dapat ipagselos dahil wala na sila ng young Kapamilya actor at naging kasamahan sa loob ng PBB house.

Wala na sina Elisse at McCoy nang ipalabas  last January ang kanilang launching movie as a loveteam, ang “Sakaling Maging Tayo” na dinirek ni Jaime Habac, Jr. under Blacksheep Productions.  Sadly, ang nasabing pelikula ay hindi gaanong kinagat ng mga manonood.

Moving on, busy ngayon si Elisse sa kanyang career. Bukod sa bago niyang endorsement ng Cathy Doll Ready 2 White product, meron siyang bagong movie at bagong teleserye na malapit nang magsimula sa afternoon block ng ABS-CBN, ang “Sandugo,” isang action-drama series na tinatampukan din nina Ejay Falcon, Aljur Abrenica at Jessy Mendiola kasama sina Cherrie Pie Picache, Ariel Rivera, Vina Morales, Gardo Versoza at iba pa.  Ito’y pinamamahalaan nina Direk Daniel Joy Villaflor at Ram Tolentino.