Ella 'di pa napapanood ang nagpanalong pelikula

September 29, 2019

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang dating child star na si Ella Cruz sa kanyang pagkakapanalo ng Best Supporting Actress award  sa kamakailan lamang nagtapos na Cinemalaya Film Festival para sa pelikulang “Edward” na pinagtambalan nila ng dati ring child actor na si Louise Abuel na kinse anyos na ngayon.

Pinasalamatan ng actress, singer at dance princess si Boss Vis del Rosario  (ng Viva) dahil ito umano ang nag-push sa kanya na tanggapin ang role ni Agnes sa “Edward” with Louise in the title role.  Ang nasabing pelikula ay nakatakdang ipalabas for commercial run sa mga sinehan nationwide simula ngayong October 2.  Dito lamang din ito mapapanood ni Ella who missed watching the film sa Cinemalaya run nito.  Hindi rin niya personal na natanggap ang kanyang best actress trophy dahil wala umanong nagsabi sa kanya na nominado siya.

Bukod kay Boss Vic, nagpasalamat din si Ella sa director na si Thop Nazareno at maging kay Direk Joyce Bernal at sa kanyang loyal fans na patuloy na sumusuporta sa kanya.