Ella, Julian nagbabalak na para sa hinaharap

September 12, 2019
Ella Cruz

SINAGASA namin ang malakas na ulan last Wednesday late afternoon  nang bisitahin namin ang bagong bukas na milk tea business ng Cinemalaya Best Supporting Actress for the movie “Edward”, ang singer at dance princess na si Ella Cruz na matatagpuan sa población ng Bustos, Bulacan, ang Tea Tops.

Si Ella mismo ang nag-drive ng kanyang brand new Titanium Ford Everest kung saan din namin kasama ang kanyang ka-loveteam and boyfriend, ang singer-actor at dance prince na si Julian Trono at ang kanilang handler na si Patty Layson.

Habang binabagtas namin ang North Expressway ay naikuwento ni Ella na sumali pala siya sa 2017 Toyota Vios Cup car racing na sinalihan din ng maraming kilalang celebrities from showbiz where she placed 2nd.

Magaling na driver si Ella at kampante si Julian sa kanyang pagmamaneho.

“Mas gusto niya na siya (Ella) ang nagmamaneho and I let her,” pahayag ni Julian na siya naming inasahang magmamaneho ng malaking car.

“Sa magandang weather at kung walang gaanong traffic, nakukuha ko po ng 45 minutes to one hour ang Bustos (Bulacan), “ pagmamalaki ni Ella who frequents her hometown kung wala siyang showbiz commitments to visit her family at ang bagong bukas niyang Tea Tops business.

Ang Tea Tops ay binuksan last August 14, three days before her 23rd birthday nung August 17.  So far, the business is doing well dahil puno ito parati ng tao na majority ay millennials.

Nag-iisip na rin sina Ella at Julian na maging business partners ng Tea Tops na kanilang itatayo in Manila hopefully sa isang taon.     

Matapos naming sumubok sa masarap na milk tea ng Tea Tops ay nagyaya ang mommy ni Ella na si Jessica Cruz na mag-dinner sa isang kalapit na restaurant, ang  Café Portillo na napaka-ganda ng interior at masarap ang pagkain.  Super sarap ang kanilang lechon manok with matching chicken oil.  We plan to go back there one Sunday para walang gaanong traffic.

Samantala, inamin sa amin nina Ella at Julian na wala umano silang specific date kung kailan sila naging mag-sweetheart but they admitted that it was in 2017 nang gawin niya ang “Fangirl/Fanboy” movie. Marami umano silang common interests laluna pagdating sa dancing kung saan sila parehong magaling.

Plano rin pala ni Julian magsulat at magdirek balang araw pero nagsimula na umano siyang magsulat at umaasang may material siyang magamit for a movie not necessarily para sa kanila ni Ella kundi para sa ibang actors na rin.

Just like any other relationships, hindi umano nawawala sa kanilang dalawa ang kaunting tampuhan na agad naman daw nila nare-resolve.

“We don’t let a day pass na hindi kami nagkakaayos,” pahayag ni Julian.

Kita rin namin kung gaano ka-close si Julian sa family ni Ella.  Since 23 na si Ella, hindi na gaanong  sumasama sa kanyang mga lakad ang kanyang Mommy Jesica dahil ito na ang namamahala ng Tea Tops business ni Ella at ng kanyang pamilya.