Ella waging best supporting actress, bagong video, viral na naman

September 11, 2019
Ella Cruz

VIVA young star Ella Cruz turned 23 last August 17 but she can still be mistaken to be in her teens at hindi nito ikinakaila ang kanyang pagiging Mama’s girl.

“Eversince po kasi ay si Mama parati ang kasa-kasama ko since I was a kid kaya parati ko siyang hinanahanap-hanap kapag hindi ko siya kasama sa mga lakad ko ngayon,” pahayag niya nang ito’y humarap sa isang intimate mediacon na may kinalaman sa kanyang pagkakapanalo bilang Best Supporting Actress sa pelikulang “Edward” sa recently-concluded na Cinemalaya Film Festival.  Ito’y dinirek ni Thop Nazareno and produced by Direk Joyce Bernal.

Inamin ni Ella that she had hesitations accepting the project pero nang mabasa niya ang script ay umiyak umano siya at saka kinausap ang kanyang mom about it.   

“I’m glad tinanggap ko po ang movie,” aniya.  “Pero hindi ko po inaasahan na ako ang mananalong Best Supporting Actress,” bulalas pa niya.

Ella is soon to start another movie project under Viva Films na muli nilang pagsasamahan ng kanyang perennial screen partner na si Julian Trono kasama sina Andrew Muhlach at Vito Marquez.

Sa pelikulang “Edward” ay napatunayan ni Ella that she can act out a role na malayo sa mga roles na nauna niyang ginamapanan sa pelikula at sa telebisyon.

Ang nasabing pelikula ay pinarangalan din ng Special Jury Prize ng Cinemalaya at nakatakdang ipalabas sa mga sinehan nationwide sa darating na October 2.

Ella was 9 nang kanyang matanggap ang kanyang unang Best Child Actress mula sa FAMAS Awards for the movie “Resiklo” na pinagbidahan ng actor-politician na si Bong Revilla at dinirek ni Mark Reyes in 2007.  S

She first starred in her TV series na “Aryana” in 2012 na sinundan ng “Bagito” nila nina Nash Aguash at Alexa Ilacad nung 2014 na tumagal up to 2015.

Sa bakuran siya ng Kapuso Network nagsimula sa pamamagitan ng “Majika” in 2006 pero nagpalipat-lipat siya ng TV network from GMA to ABS-CBN maging sa TV-5. Pero freelancer na siya ngayon after she signed up a management contact with Viva Artists Management (VAA) na siyang nagbigay sa kanya ng kanyang launching movie with Julian Trono in 2017, ang “Fangirl, Fanboy”.  Naging viral din sa YouTube ang kanyang uploaded dance number ng “Twerk It Like Miley”.

Si Ella ay on a semi-regular appearance ngayon sa top-rating and long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin na isa rin sa tumatayong director ng serye.

Tuluy-tuloy rin ang kanyang paggawa ng iba’t ibang TV series for Viva TV at Sari-Sari/Cignal TV.

Napilitan na ring umamin si Ella pagdating sa totoong relasyon nila ng kanyang ka-loveteam na si Julian Trono. In fact, naging viral ang wedding video shoot nila for a video/photo company at marami ang nag-akala na totoo ito.