Home>Entertainment>Showbiz>Ellen ayaw magsuot ng wedding gown sa kasal nila ni Derek

Ellen ayaw magsuot ng wedding gown sa kasal nila ni Derek

Ellen Adarna and Derek Ramsay
Ellen Adarna and Derek Ramsay

PAGKATAPOS ng intimate civil wedding ceremony nina Luis Manzano at Jessy Mendiola nung February 21, 2021 sa The Farm, San Benito, Lipa City officiated by the city mayor Eric Africa, may ilan pang celebrity engaged couples ang nakatakdang ikasal sa taong ito. Nariyan sina Angel Locsin at Neil Arce, Ara Mina at Dave Almarinez maging ang newly-engaged na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Dapat sana’y noong isang taon pa nakatakdang ikasal sina Angel at Neil pero ito’y naurong dahil sa pandemya.

Sa taon ding ito nakatakdang ikasal sina Ellen at Derek who got engaged last March 30 after more than a month of being in a relationship. Ayon sa dalawa, dumating sila sa para isa’t isa sa tamang panahon at handa nang pasukin sa ibang level ang kanilang relasyon. Kung naging sila umano five years ago ay malamang daw na hiwalay na sila ngayon.

Hindi ikinakaila ni Ellen na dumaan siya sa depression noon dahil sa pagkamatay ng kanyang ama at paghihiwalay nila ng actor na si John Lloyd Cruz. Pero ngayon ay buong-buong na umano siyang muli at saka naman dumating sa kanyang buhay si Derek.

Gusto ni Ellen ng isang simpleng wedding ceremony lamang at ayaw niya umanong magsuot ng wedding gown na siyang pangarap ng bawat babaeng ikakasal.

Precy negative, Erap stable na

Jinggoy Estrada and Precy Vitug-Ejercito
Jinggoy Estrada and Precy Vitug-Ejercito

MASAYANG ibinalita ng misis ni dating Sen. Jinggoy Estrada na si Precy Vitug-Ejercito kahapon, April 7 na negatibo na siya sa kanyang latest Covid-19 test result.

“Today, I received my miracle. My latest confirmatory RT-PCR swab test turned out to be NEGATIVE! THANK YOU LORD!

“Salamat sa aming mga kaibigan at pamilya who prayed for us and with us from the time I was initially diagnosed positive for COVID-19 a few days ago. Lord, You are faithful to your promise that you are with me, wherever I go (Joshua 1:9). I did not only test negative in RT-PCR, but also in antigen tests. I am not worthy of this miracle, but the Lord truly manifests His divine love for us.

“Prayer truly works. Let us continue to pray for others who are battling this disease. Let’s pray for our frontliners and many others who may hot have the disease but experience economic and emotional trials as a consequence of this pandemic situation that we are all in.

“Maraming maraming salamat pong muli sa mga nagdasal para sa akin at sa aking pamilya.

“GOD be with us all,” mensahe ni Precy sa kanyang Facebook account.

Samantala, nagbigay naman si Jinggoy ng updated medical bulletin na may kinalaman sa kanyang ama, si dating Pangulong Joseph `Erap’ Estrada na nagpositibo ng Covid-19 coronavirus nung March 29 na hanggang ngayon ay naka-confine pa rin sa pagamutan.

“As per updates from my father’s physicians, he continues to be in stable condition.

“His kidney function is improving and his requirement for oxygen support is slowly getting better.

“We were informed by his physicians that his inflammatory markers are on a downward trend for which we are thankful and hopefully this signals that his immune system is responding well.

“We are praying that no new complications set in and that he continues to improve.

“Please continue to pray for him.

“Thank you very much for all your love and concern for my father. Very much appreciated.

“Maraming salamat muli,” post ni dating Sen. Jinggoy Estrada.

‘EB’ mag-42 taon na sa ere

Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon
Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon

SA darating na July 30, 2021 ay ise-celebrate ng top-rating and longest-running noontime show (perhaps worldwide), ang “Eat Bulaga” hosted by the triumvirate of now Senate President Tito Sotto, younger brother Vic Sotto and Joey de Leon, or Tito, Vic and Joey, ang kanilang 42nd year. Ang rival program ng “Eat Bulaga,” ang “It’s Showtime” ay papalo naman sa kanilang 12th year sa October 24.

Tulad noon ng institusyon nang noontime show na “Student Canteen,” nagpalipat-lipat din ng TV network ang “Eat Bulaga” mula sa RPN-9 to ABS-CBN hanggang makahanap sila ng kanilang pangmatagalang tahanan sa GMA.

Student Canteen
Student Canteen

Ang GMA ay matagal ding naging tahanan ng “Student Canteen” na nagtapos sa ere nung 1986.

Sina Tito, Vic & Joey ay naging bahagi rin ng “Student Canteen” na produced noon ng Program Philippines, Inc. (PPI) na pag-aari ng yumaong host at dating senador na si Eddie Ilarde. The late Bobby Ledesma naman ang producer-host ng dating weekly musical show ng GMA, ang “Discorama” kung saan din kasama ang Tito, Vic & Joey.

Nang umalis ang Tito, Vic & Joey sa “Student Canteen” at “Discorama” to host “Eat Bulaga,” sila’y pinalitan ng APO Hiking Society nina Danny Javier, Jim Paredes at Buboy Garovillo. Pero hindi nagtagal ay magkasunod na nagpaalam sa ere ang “Student Canteen” at “Discorama”. The veteran-host producer Bobby Ledesma passed away in 1993.

Bago ang “Eat Bulaga” sa GMA, sumubok din noon ang TV network ng iba’t ibang noontime programs tulad ng “Ariel con Tina” nina Ariel Ureta at Tina Revilla, ang “Lunch Break” at “Lunch Date” na pare-parehong hindi tumagal sa ere.

“Lunch Date” was originally hosted by Orly Mercado, Rico J. Puno, Toni Rose Gayda and Chiqui Hollman hanggang sa magpalit-palit ang mga host at pumasok din sa nasabing programa sina Randy Santiago, Louie Heredia, Tina Revilla, John Santos at Lito Pimentel. The program lasted from 1986 to 1993.

Unlike “Eat Bulaga,” hindi tuluy-tuloy ang pagsasahimpapawid ng dating “Student Canteen” na dumaan din sa maraming transitions from 1958 to 1965 (sa ABS-CBN), mula 1975 to 1986 sa GMA at sa RPN-9 mula 1989 to 1990.

Ang “Student Canteen” ay nagsimula sa radio (DZXL) in 1958. Ito’y dating “CBN Canteen” dahil ito’y ginaganap sa canteen ng lumang Chronicle Broadcasting Network) sa Aduana, Manila. The program was originally hosted by Eddie Ilarde, Bobby Ledesma, Bobby de Vera at Leila Benitez. Dahil nag-hit ang programa sa mga estudyante, ito’y ginawang “Student Canteen”. Nagtapos ang programa in 1965 nang pumasok sa pulitika si Eddie. Pero bago ito ay nag-walk out din ang mga hosts ng programa dahil sa kanilang naging problema with the management. At that time, ang yumaong mister ni Boots Anson Roa na si Pete Roa ang tumatayong production manager. Dahil sa ginawang pagwu-walk out ng mga original hosts ng “Student Canteen” sila’y pinalitan nina Boots Anson-Roa, Ben Aniceto, Pepe Pimentel and Nelda Navarro (Lea Navarro’s mom).

There was also a time na pinagsamang host sina Pancho Magalona at Eddie Mesa sa isang bagong noontime show but when Eddie Mesa left for the US, pinalitan ang programa ng “Twelve O’Clock” hosted by Ariel Ureta and Tina Revilla which aired until 1972.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTALK with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger