Ellen at John Lloyd, nakipag-bonding kina beauty at mister nito

May 28, 2019
Ellen Adarna & John Lloyd Cruz

MAG-BEST FRIENDS sina Beauty Gonzalez at Ellen Adarna kaya patuloy ang kanilang komunikasyon hanggang ngayon kahit tinalikuran na ni Ellen ang showbiz (temporarily?) along with her partner, John Lloyd Cruz, magdadalawang-taon na sa darating na October.

Kamakailan lamang ay nag-bond ang magkaibigang Beauty at Ellen sa isang beach resort kasama ang kanilang respective partners  na sina Norman Crisologo (husband ni Beauty) at John Lloyd (partner ni Ellen) kasama ang kanilang mga anak na sina Olivia (anak nina Beauty at Norman) at si Elias Modesto na anak naman nina Ellen at John Lloyd na magi-isang taon na sa darating na June 27.

Choice pareho ng mag-partner na John Lloyd at Ellen ang kanilang (pansamantalang) pagtalikod sa showbiz para mamuhay nang tahimik at pribado kasama ang kanilang almost one-year-old son.

It was in October 2018 nang magpaalam si John Lloyd sa kanyang management company, ang Star Magic for an indefinite leave of absence sa showbiz at wala pang senyales na ito’y babalikan ng actor any day soon.