Ellen naghain ng TPO laban kay John Lloyd?

August 09, 2019
Ellen Adarna & John Lloyd Cruz
Ellen Adarna & John Lloyd Cruz

BALITANG naghain ng TPO (Temporary Protection Order) si Ellen Adarna laban kay John Lloyd Cruz sa Cebu Regional Trial Court.

Taliwas ito sa naunang report na TRO (Temporary Restraining Order) ang inihain ni Ellen matapos ang balitang naghiwalay na sila noong nakaraang weekend. Halos dalawang taon silang nagsama at nanirahan sa Cebu. May isa na silang anak, si Elias Modesto.

Pero, 'co-parenting' diumano ang kanilang status. Meaning, katulong pa rin si John Lloyd sa pagpapalaki sa kanilang anak.

Dahil dito, balitang babalik na si John Lloyd sa pag-aartista, dahilan ito upang muling maudlot ang sinasabing paglayas sa bansa ng mahusay na direktor na si Cathy Garcia Molina dahil siya ang napipisil ng Star Cinema na humawak sa gagawing pelikula ng aktor, kung sakali ngang babalik ito.

Samantala, balitang ang dahilan ng pakikipaghiwalay diumano ni Ellen kay John Lloyd ay ang "hindi nito maintindihang ugali," at kasama na diumano ang patuloy na pagmamahal nito sa bote.

Tulad ng dati, wala pa ring pahayag ang dalawa (Ellen at John Lloyd) sa isyung ito.

Hindi naman talaga sila nagsalita tungkol sa anuman sa kanilang relasyon. Sa social media na lang nalalaman ng fans (especially ni JLC) ang lahat.