Ellen pinagbigyan ni Meghan

September 10, 2019
Ellen DeGeneres
Ellen DeGeneres

IBINAHAGI ng popular American talk show host, comedian-actress and writer-producer na si Ellen DeGeneres (61) ang kanyang naging experience meeting the royal couple, Prince Harry and Meghan Markle, Duke and Duchess of Sussex at ang kanilang four months old son na si Baby Archie Harrison.  Nakasama ni Ellen ang kanyang partner of 11 years na si Portia de Rossi na dumayo ng England para makausap ang royal couple na binatikos ng kanilangmga detractors dahil lamang sa kanilang paggamit ng private jet sa kanilang bakasyon.  Nakahanap naman ng kakampi ang royal couple sa pamamagitan ni Ellen.

“The couple are so amazing.  They’re the cutest couple, so down to earth and I just hate it I see them get attacked and it’s not fair,” pahayag ni Ellen.

“They’re just two of the most down to earth, compassionate people.  They’re doing so much good in the world. And they’re doing all this work with Bostwania for elephants and I love that.  So we’re all going to do something together,” patuloy pa niya.

Si Ellen at ang kanyang partner na si Portia ay nagtungo sa Windsor para pag-usapan ang tungkol sa advocacy ng royal couple on wildlife conservation.

“Imagine being attacked for everything you do, when all you’re trying to do is make the world better,” ani Ellen.

Samantala, nakapag-guest na rin sa programa ni Ellen DeGeneres  ang ilan sa mga Filipino entertainer na nag-viral sa YouTube katulad nina Arnel Pineda (na lead vocalist na ngayon ng sikat na American rock band, Journey), CharicePempengco (now Jake Zyrus), Marcelito Pomoy, TNT Boys at iba pa.