Elmo nag-post tungkol sa bgong gf

March 26, 2020


MATAPOS mag-post sa kanyang Instragram account si Elmo Magalona kasama ang kanyang non-showbiz girlfriend na nagngangalang Ry ay nalaman ng netizens na isang taon na pala ang relasyon ng dalawa.  All the while ay inisip ng followers ni Elmo na single pa rin ito hanggang ngayon magmula nang maghiwalay sila ni Janella Salvador in 2018.

Samantala, si Janella ay nali-link naman ngayon sa young  Filipino-British singer-actor na si Markus Paterson at sa kanyang “The Killer Bride” co-star na si Joshua Garcia.