Empoy at Alessandra, muling magtatambal sa pelikula

March 23, 2019
Empoy Marquez and Allesandra de Rossi
Empoy Marquez and Allesandra de Rossi

MULING magtatambal sina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi this time sa isang pelikula na ididirek din ng kanilang “Kita Kita” director na si Sigrid Andrea Bernardo under Spring Films nina Piolo Pascual, Direk Joyce Bernal at talent manager na si Erickson Raymundo.

Ang Spring Films ang nakaisip ng unang tambalan nina Empoy at Alex sa “Kita Kita” in 2017 na kinu-consider na “Biggest box office independent film of all time” matapos itong kumita sa takilya ng P300-M.  Pagkatapos ng kanilang box office hit movie ay nagtambal ang dalawa sa isang rom-com TV series sa ABS-CBN, ang “Since I Found You” nung isang taon kung saan tampok na mga bituin sina Piolo Pascual at Arci Munoz.

Since their first movie and TV team-up ay na-develop ang pagiging close na magkaibigan nina Empoy at Alex to a point na madalas na silang tuksuhin ng kanilang mga kaibigan lalupa’t pareho silang single ngayon.

Samantala, malayo na talaga ang naabot ng karera ng actor-comedian-turned entrepreneur na si Empoy.  Bukod sa nakapagpatayo na ito na malaking bahay para kanyang pamilya sa Baliuag, Bulacan, nakapag-pundar na rin siya ng sarili niyang negosyo sa Baliuag, ang kanyang `90s themed resto-bar na Wayback 90’s.

Sa “Magandang Buhay” last Wednesday morning ay ikinuwento ni Empoy na nasa elementary grades pa lamang siya ay natuto na siyang magtinda ng mani para makatulong sa kanyang ina at anim na kapatid.  He was in Grade 6 nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang.  Nung high school naman siya ay nagtrabaho siya sa isang factory ng chitcharon tuwing Sabado para may pangtustos siya sa kanyang pag-aaral.

Si Empoy ay nakapagtapos ng Mass Communication sa Fernandez College of Arts and Technology sa kanyang hometown sa Baliuag at nangarap siyang maging isang disc jockey o DJ.  Hindi man ito natupad ay inilagay naman siya ng Diyos sa ibang direksyon kung siya matagumpay ngayon, bilang isang actor-comedian.

Si Empoy ay produkto ng isang contest noon ng dating noontime show ng Kapamilya Network, ang Magandang Tanghali Bayan o MTB.  Taong 2003 nang sumali si Empoy sa “Mr. Suave Look-Alike Contest” at siya ang nanalo.  Magmula noon ay nabibigyan na siya ng mga bit at supporting roles sa telebisyon at pelikula hanggang sa mabigyan siya ng magandang break sa TV5 sa loob ng tatlong taon niya pananatili sa Kapatid Network nung aktibo pa ang istasyon sa pagpu-produce ng mga entertainment programs.  In 2017, muling bumalik si Empoy sa ABS-CBN at siya’y naging bahagi ng long-running gag show na “Banana Sundae” at kasunod na rito ang unang tambalan nila ni Alessandra de Rossi sa indie movie na “Kita Kita” which turned out to become a huge box office hit.

Nananatili itong humble, prayerful at maintained ang kanyang non-showbiz close friends since elementary at ito’y mapagmahal sa kanyang pamilya laluna sa kanyang inang si Aling Cecilia.

Empoy is turning 38 on July 3 pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong napupusuan.  Regular siyang napapanood every Saturday evening sa weekly sitcom na “Home Sweetie Home” na pinangungunahan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.