Empoy Marquez ginaya ng isang Indonesian comedian

November 13, 2019

DUMALAW sa bansa ang Indonesian comedian/rapper/music producer na si Dodit Mulyanto para tumulong sa promotion ng kanyang pelikulang Cinta Itu Buta (Love is Blind) na adaptation ng hit Filipino movie na Kita Kita na tinampukan nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi.

Na-interview si Dodit ng local press sa Botejyu Japanese restaurant sa Robinsons Galeria in Ortigas at nagulat sila sa malaking resemblance nito kay Empoy. Pero dahil nga comedian si Dodit, sinabi nitong mas handsome siya kay Empoy na na-meet na niya bago ang interview.

Popular sa Indonesia si Dodit na natuklasan sa Stand Up Comedy Indonesia at isang rapper/musician din. Isang Katoliko, dumalaw si Dodit sa San Agustin Church sa Intramuros. Gusto raw niyang makagawa ng isang Filipino movie in the future. Sinabi rin niyang sikat na sikat sa Indonesia ang singer na si Christian Bautista.

Tungkol sa kanyang leading lady sa Cinta Itu Buta na si Shandy Aulia, sinabi niyang isa ito sa pinakagamagandang aktres sa Indonesia. Pitong taon na raw itong may asawa pero hindi pa nabubuntis. Matapos nilang gawin ang pelikulang Cinta, nabuntis daw ito. Nang tanungin namin kung siya ba ang ama ng ipinagbuntis nito, todo-tanggi ang komedyante habang tumatawa.

Pwedeng-pwedeng gumawa ng pelikula rito si Dodit dahil madali itong natuto ng Tagalog words. Ilan sa mga binanggit niya ay"Magandang hapon," "Mabuhay, Philippines" at "Bawal umihi dito."