Enchong, may tweet sa cinema owners

February 08, 2019
Enchong Dee & Janine Gutierrez

BUMUHOS ang suporta ng ilang film critics nang malaman nilang na-pull out sa ilang sinehan ang Regal Entertainment movie na Elise after ng opening day last Wednesday.

May tweet naman ang isa sa bidang si Enchong Dee para sa cinema owners.

“Kakapit ako at maniniwala ako sa pelikulang gawa ng Pilipino at sa mga may-ari ng sinehan kaakibat namin kayo sa pagpapatibay sa mga pelikulang Pilipino.”

Bago ’yon, isang blogger (@oggsmoggs) ang nagtanong kung bakit na-pull out agad ang movie.

Agad namang binigyang-linaw ito ng producer na si Roselle Monteverde sa tweet reply niya.

“For clarification @oggsmoggs, the cinemas dictate what movies they want to show and sadly even on the first day 75% of the cinemas given to Elise shares screentime or what they term ‘slides’ with another movie. So the full potential will not happen. This is the scenario since ’70s.”

Sinundan ito ni Roselle ng isa pang tweet at naka-tag din si Direk Joey Reyes.

“So much time had been wasted because there (is) no effort in abandoning old ways and test possible solutions such as moving the opening day to Friday. If weekday opening is not working then try and test a solution and not sit on something that doesn’t work.”

Naku, hindi pa nga nahahanapan ng solusyon ang kasalukuyang problema ng movie industry sa piracy (na kumalat na rin sa Internet at social media) at taxes, panibagong problema na naman ang dumating sa producers, huh!