Enchong, nailang sa pakikipaghalikan kay Janine

January 16, 2019
Enchong Dee & Janine Gutierrez
Enchong Dee & Janine Gutierrez

Hindi pa man ginagawa nina Enchong Dee at Janine Gutierrez ang pelikulang Elise, sobrang pamilyar na ang una sa huli dahil bukod sa nagkasama na sila before in one indie film, napag-uusapan din daw nila ni Rayver Cruz ang dalaga.

“Bago pa man lumipat si Rayver sa kabila (GMA-7), napag-uusapan na namin si Janine kasi ito ’yung times na ang dami niyang pictorial na sobrang sexy. ’Yun talaga,” sey ni Enchong sa grand mediacon ng Elise kahapon.

“So, parang, siyempre, coming from a different network, we really don’t get to hang out that much or talk that much. Pero ang lagi naming naaalala is ’yung pictorial niya sa Preview, pictorial niya sa... so, ganu’n. 

“So, sabi ko, parang legit na si Janine ang hottest female actress ngayon. Tama, valid ’yung sinasabi namin sa isa’t isa until, ’yun nga, nagkaroon ng chance na naging single si Janine.” 

Kaya naman, trinabaho raw talaga ni Rayver to go through Janine’s heart.

“’Yun lang ang naaalala ko. Kasi prior to that, magkakilala na kami, eh,” sabi pa ni Enchong.

Hanga rin ang aktor sa bilis ng itinalon ng karera ni Janine mula sa pagiging teen star to sexy hot actress.

Ganundin ang sabi ni Janine tungkol kay Enchong -- hot din daw ang aktor.

“Pero ever since naman, laging hot si Enchong,” natatawa niyang sabi. “Parati siyang topless. ’Pag nagsasayaw siya, parati siyang naghuhubad.” 

Sa Elise raw ay makikita rin nang kaunti ang kanilang pagiging hot actor and actress dahil may mga love scene sila rito.

Pero nilinaw nila na love story ang pelikula.

Aminado si Enchong na talagang nakaramdam siya ng pagka-awkward sa love scenes nila simply because kaibigan niya si Rayver.

“Na-awkward ako ng konting-konti. Sinabi ko naman ito sa kanya (Janine), eh. Parang you’re kissing the special person of your best friend,” pag-amin ni Enchong.

“But I know for a fact that he’s very supportive,” dagdag pa niya.

Kwento naman ni Janine, pagkatapos nga raw ng eksena nila ay nagbiro si Enchong ng, “I think I lost a friend,” kaya nagtawanan daw sila.

Pero kay Janine naman daw ay walang naging problema at nakatulong din daw na naging kaibigan na niya dati si Enchong kaya kumportable siya.

Showing na sa February 6 ang Elise mula sa direksyon ni Joel Ferrer under Regal Entertainment.