Endorsements ni Heart sa Paris, mabenta sa mga Pinoy

November 14, 2018
Heart Evangelista

PATOK at mabenta pala sa mga Pinoy abroad at online shopping ang mga produktong ini-endorse ni Heart sa Paris gaya ng bags at fashion accessories.

Ayon sa isang source, bongga dahil bigla raw lumakas ang sales ng French fashion accessories na Gas Bijoux nang i-endorse ito ng Kapuso actress.

Yes, endorser na rin si Heart ng nasabing accessories brand at kuwento ng isang friend ng misis ni Senator Chiz Escudero, sobrang in demand ito ngayon sa mga Pinoy abroad at mga suki ng online shopping.

Last time na bumiyahe pala ni Heart sa Paris, may pa-welcome pa sa kanya ang may-ari ng produkto sa kanilang banner store sa France.

Nang i-check namin sa website, in fairness, magaganda ang items nila at maraming celebrities ang favorite ang nasabing brand ng fashion accessories.

Nauna nang in-endorse ni Heart ang leather goods na Sequioa na marami na ring nagki-carry lalo na ’yung handbag.

Actually, may iba pa raw sikat na leather company ang gusto sanang kunin ang serbisyo ni Heart, pero may similar brand na umano itong ini-endorse na base sa Italy at malapit nang ilabas ang campaign materials.

Aside from endorsing high end brands sa Paris, marami rin daw lalabas na bagong endorsements ang aktres na locally-made garments naman at isa na rito ang Kamiseta, kung saan si Heart mismo ang nag-design.

“A full collection of the clothing line I designed with @kamisetaph featuring my art will be released very soon. Stay tuned!” sabi nga ng aktres sa isang previous post niya sa kanyang Instagram account.

Si Heart din ang tinaguriang Face of Caritas Manila  at sumasama siyang mag-ikot sa depressed areas with Father Anton para magturo sa ilang out-of-school youth.

Tuluy-tuloy lang din ang kampanya niya against animal cruelty kasama ang PAWS Philippines.

Nagpapa-adopt sila ng mga napupulot na aso.

“This is Nigel. He was in a road accident a few months ago, but is doing well now thanks to the care of the people of @pawsphilippines. There are plenty of dogs like Nigel, who beat the odds and are now happy, healthy, and more than ready to be part of a new family. Head over to the PAWS website to learn about their full adoption process. #AdoptDontShop #AspinClub,” post ni Heart.

Bukod sa pagtutok sa kanyang mga endorsement here and abroad at sa ilang bubuksang negosyo, sinusubukan din daw uli ng mag-asawa na magka-baby uli.

Kamakailan lamang ay nagbakasyon grande ang dalawa sa isa sa mga paborito nilang lugar sa ’Pinas, ang Balesin, kasama ang kambal na anak ni Sen. Chiz.