Home>Entertainment>Showbiz>Engagement ni Ara aprubado sa anak

Engagement ni Ara aprubado sa anak

Ara Mina and Dave Almareniz
Ara Mina and Dave Almareniz

APRUBADO sa six-year-old daughter ni Ara Mina na si Amanda Gabrielle ang mapapangasawa ng kanyang ina, ang non-showbiz guy na si Dave Almarinez. Katunayan, isa sa mga witness si Amanda sa engagement na nangyari between her mom and her Tito Dave nung nakaraang Martes, January 12 sa hometown ni Dave in Laguna.

Ara Mina and Dave Almareniz
Ara Mina and Dave Almareniz
Ara Mina and Dave Almareniz
Ara Mina and Dave Almareniz

Si Amanda ay anak ni Ara sa dating mayor and now vice-mayor ng Bulakan, Bulacan na si Patrick Meneses na nananatiling kaibigan ng singer-actress lalupa’t hindi naman ito nagpapabaya sa kanyang obligasyon bilang ama sa kanyang anak.

As far as we know, may ibang karelasyon na rin si Patrick ngayon.

Malamang na mangyari ang kasalan sa taong ito.

Ayon sa singer-actress, si Dave umano ang kasagutan sa kanyang panalangin na makatagpo ng guy na magmamahal sa kanya at sa kanyang anak nang tapat na makakasama nila habambuhay.

Samantala, excited si Ara sa unang project niya for 2021, ang “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” kung saan niya mga kabituin sina Alma Moreno, Rosanna Roces at Maui Taylor kasama ang tatlong upcoming sexy stars ng Viva na sina AJ Raval (anak ng actor na si Jeric Raval), Ana Jalandoni at Rose Van Ginkel mula sa panulat at pamamahala ng young director na si Darryl Yap na siya ring gumawa ng hit launching movie ni Kim Molina nung 2019, ang “Jowable”.

Ang “Paglaki Ko Gusto Ko maging Pornstar,” na isang sexy-comedy movie ay siya kauna-unahang pelikula produced by Viva na ipapalabas sa bagong online video platform na Vivamax on January 29, 2021.

Filipino original series sa Chinese video platform

NAGSIMULANG ipalabas kahapon, January 15 ng 7 p.m. ang WeTV Original series na “Section St. Valentine: The Disappearance of Divine” kung saan tampok ang mga baguhang actors na sina Arielle Roces (as the controversial Divine Concepcion), Royce Cabrera (James Pasyon), Jem Macatuno (as Matthew Tagle), Aedel Pena (Anna Hizon), Raphael Robe (as Brian Tenchavez), Polo Laurel (as Valiant Gorospe) at Tamara Alexandra (as Helena Montemayor). Sila ang gumaganap na grupo ng mga estudyante na nagsama-sama para malaman kung bakit nag-disappear ang pinakasikat na babae sa kanilang campus na nawala sa pagsisimula ng kanilang online class. Ito’y mula sa panulat at direksiyon ni Philip King.

Ang WeTV ay bahagi ng Tencent Video (China’s leading online video platform) with 100 million paid subscribers.

Bukod sa Pilipinas, ang content ng WeTV ay napapanood sa iba’t ibang Asian countries tulad ng Indonesia, Malaysia, India.

Ang WeTV ay ang kauna-unahang Chinese streaming service platform na ni-launch in multiple overseas regions.

Julia papasok bilang leading lady ni Coco kapalit ni Yassi

Coco Martin and Yassi Pressman
Coco Martin and Yassi Pressman

NAKAPANGHIHINAYANG na mawawala na umano ang character ni Alyanna Arevalo-Dalisay bilang misis ng lead character na si Cardo Dalisay played by actor-director na si Coco Martinna ginagampanan ng actress, dancer and celelebrity endorser na si Yassi Pressman sa top-rating and longest-running action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Ayon sa aming nakalap na information ay si Yassi na rin umano ang nag-request na tanggalin na ang kanyang ginagampanang character sa serye. Ang isa sa mga itinuturong dahilan ay para makagawa naman umano ito ng pelikula.

Dahil sa lock-in set-up sa mga tapings ang shootings na kadalasang tumatagal ng dalawang linggo straight up to one month ay hindi na puwedeng makapaglagare ang mga artista o makagawa pa ng ibang proyekto kapag sila’y naka-lock in.

Si Yassi ay pumasok sa “FPJ’s Ang Probinsyano” in 2016 at magli-limang taon na sana siya this year sa serye kung hindi siya lalabas.

Hindi maikakaila na naging in-demand si Yassi sa kanyang mga product endorsements dahil sa kanyang exposure sa nasabing serye.

Ang upcoming “Darna” TV series lead star na si Jane de Leon ay papasok din sa “FPJ’s Ang Probinsyano” at may usap-usapan din na malamang pumasok din sa serye ang rumored girlfriend ni Coco na si Julia Montes bilang bagong love interest ng character ni Cardo kapag um-exit na sa serye si Yassi.

Jason nagulat sa regalo ni Melai

Melai Cantiveros and Jason Francisco
Couple Melai Cantiveros and Jason Francisco with daughters Mela and Stela

SA January 4, 2021, sa Melason joint vlog ng mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco ay ipinakita ang pagkabigla ng huli nang siya’y sorpresahin ng kanyang misis ng isang 2021 brand new Ford Ranger pick-up, ang dream car umano ng ex-PBB housemate-turned actor na naging kasama ni Melai sa loob ng Bahay ni Kuya in 2009 up to 2010. Si Melai ang tinanghal na Big Winner sa “Pinoy Big Brother: Double Up” in 2010.

Sa loob ng PBB house nabuo ang closeness at love-affair nina Melai at Jason na kanilang ipinagpatuloy sa labas ng PBB house na nauwi sa kanilang pagpapakasal nung December 9, 2013. Ang mag-asawa ay meron ng dalawang anak na parehong babae na sina Amelia ‘Mela’ Lucille at Stela Rosalind.

Ang 2021 Ford Ranger pick-up ay nagkakahalaga ng P1.7-M (top of the line) pero merong mas mababa rito.

Sa kabila ng pandemya ay hataw pa rin ang karera ni Melai bilang isang actress at TV host ng daily morning show ng Kapamilya Channel, ang “Magandang Buhay” kung saan niya kasama sina Karla Estrada at Jolina Magdangal na kanilang sinimulan in 2016 up to the present bilang kapalit ng “Kris TV” ni Kris Aquino na tumagal naman sa ere sa loob ng limang taon at nahinto lamang dahil si Kris na rin mismo ang nagpaalam due to health reasons.

Derek at Ellen pinabulaanan ang tsismis sa kanila

Derek Ramsay, Ellen Adarna and Ruffa Gutierrez
Derek Ramsay, Ellen Adarna and Ruffa Gutierrez

PINABULAANAN nina Derek Ramsay at Ellen Adarna that there is something special going on sa kanilang dalawa.

Si Derek ang nag-host ng intimate dinner sa kanyang bagong bahay (kung saan niya kasama ang kanyang parents) na dinaluhan ng ilan sa kanyang showbiz at non-showbiz friends. Kasama sa dumating ay sina Ruffa Gutierrez, Ellen at John Estrada dahil magkakalapit lamang sila umano ng tirahan.

Sina John at Ellen ay magkakasama sa isang weekly-sitcom program na mapapanood sa TV5.

Dahil magkakaibigan, hindi umano nawala sa kanila ang biruan at kulitan na na-misinterpret ng ibang taon.

Si Derek ay kahihiwalay lamang sa kanyang ex-girlfriend of little over a year na si Andrea Torres nung nakaraang November habang si Ellen ay hiwalay na rin sa ama ng kanyang more than two-year-old son na si Elias Modesto na si John Lloyd Cruz. She is now maintaining a long distance relationship with a foreign guy from Spain na si Carlos Lemus.

Ellen maintains a good relationship with her ex-boyfriend na si John Lloyd dahil meron silang anak and they are co-pareting their son.

Personal: Advance happy birthday to my kumpare and colleague Mario Bautista on January 19.

Subscribe, like and share “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook:@asteramoyo and Twitter:@aster_amoyo

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger