Enrique ‘natakot’ kay Liza

February 13, 2019
Liza Soberano & Enrique Gil

NATAKOT pala si Enrique Gil matapos niyang umpisahang ligawan ang girlfriend na si Liza Soberano.

Sa kabila ng pagkakaroon ng ibang girlfriends in the past, nag-alala siyang baka i-turn down siya ng dalaga. Pero ipinakita niya kung anong totoong siya--palabiro, masaya, walang itinatago.

Nasa Australia siya noon nang tawagan niya si Liza, ayon sa kanyang pahayag sa Tonight with Boy Abunda. "I think I love you," sabi raw niya kay Liza. "I love you."

Sagot ni Liza: "I think I love you, too. I love you."

Parang gusto raw ni Enrique na lumipad nang oras ding 'yun pabalik ng Maynila.

Ang tawag ni Enrique ngayon kay Liza ay "my life."

Lalong kinilig ang fans ng LizQuen.