Enzo, ayaw na sa bait-baitang image

November 17, 2018
Enzo Pineda
Enzo Pineda

Kapamilya actor Enzo Pineda is sporting a new look! Nagpa-skinhead, nagpatubo ng bigote at balbas na bumagay naman sa kanya.

Sabi ni Enzo, ito raw muna ang kanyang look for the moment as he’s scheduled to start shooting Hip-notismo (working title) under Madam Baby Go’s BG Productions International.

“For the longest time, iisa lang ang hitsura ko and I want to look different naman this time,” tinuran ng binata nang makausap ng ilang press people sa launch ng movie sa Marco Polo Ortigas kamakailan lang.

Iisa ang impresyon ng media sa new look ng aktor: mas gumuwapo, tipong naughty ang dating at nagkaroon ng karakter ang kanyang persona-lidad.

“Ito ang totoong Enzo talaga,” wika pa ng former Starstruck alumnus.

Ayon kay Enzo, comfortable naman siya sa kanyang bagong look, babu raw muna sa pa-cutie-cutie at nice image pero ibabalik naman daw niya ito.

Sa tanong kung naughty siya sa totoong buhay, sabi ni Enzo, playful lang siya. “Marami naman akong nilalaro pero hindi ko nilalaro ang puso.”

Thankful si Enzo sa big break na ibinigay sa kanya ng BG Productions via Hipnotismo, kung saan bida na siya sa pelikula at gaganap siya bilang asawa ni Beauty Gonzalez. Kung may requirement daw si Direk Joey Romero to show some skin, handa naman siyang gawin ito.

Kung namumukadkad ang kanyang showbiz career, bokya naman daw ang kanyang lovelife. Inamin niyang break na siya sa kanyang GF of four years at pitong buwan na raw siyang walang jowa.

“Nasa position lang kami ng buhay na hindi kami magkatugma. I am in a good place tapos parang may gusto siyang puntahan at ako naman, I want to concentrate on my career. Magkaibigan pa rin kami,” sambit ng aktor.