Enzo, bibida sa ‘Starla’ ni Juday

December 01, 2018

Bukod sa Primetime Drama Queen na si Judy Ann Santos, bibida rin sa sisimulang fantaserye ng ABS-CBN na Starla ang runner-up ng second season ng Mini-Me contest ng It’s Showtine na si Enzo Pelojero.

Umapir na rin ang 7-year old kid sa mga programang My Dear Heart, FPJ’s Ang Probinsyano at ilan pang top-rating shows ng Kapamilya Network.

But his biggest TV break ay itong Starla ni Juday na magsisimulang mapanood sa primetime sa first quarter ng taong 2019.

“Sobrang saya po kasi bida na po ako,” sabi ng bagets nang ipakilala ng mag-asawang Mario at Paz Ong bilang bagong celebrity endorser ng Hammerhead for Kids Jeans & Shirts replacing Onyok Pineda who had been with the company for two straight years.

Sa pagtatapos ng kontrata ni Onyok sa sikat na apparel brand, napagdesisyunan din ng management na maghanap ng bagong child endorser.

At dahil sa regular show ni Enzo at accomp-lishments niya bilang child star, unanimous ang pag- kakapili sa kanya as the newest Hammerhead Kids endorser, kasama na ang pag-i-endorso ng ad & promo head na si Dada Cruz.

Bukod pa ito sa kanyang positibong disposisyon sa buhay, kinunsider din ang kanyang stylish, very mil-lennial at hip na pananamit na ipinagmamalaki ng shirt and jeans brand na available sa maraming department store all over the country.