Home>Entertainment>Showbiz>Enzo inspired dahil kay Michelle

Enzo inspired dahil kay Michelle

Enzo Pineda and Michelle Vito
Enzo Pineda and Michelle Vito

INSPIRED ngayon ang dating Kapuso-turned-Kapamilya actor na si Enzo Pineda (30) dahil sa Kapamilya young actress na si Michelle Vito (22). Ang dalawa ay naging malapit sa isa’t isa nang sila’y magsama sa TV series na “Nang Ngumiti ang Langit” nung isang taon.

Si Enzo ay nagsimula sa reality talent show na “Starstruck – Season 5” kung saan siya tinanghal na 1st Prince in February 2010. Ito ang kanyang naging pasaporte sa showbiz. Una siyang naging contract star ng GMA Artists Center. When his contract with GMA expired he moved to ALV Talent Center at nung 2016, lumipat siya sa pangangalaga ng Star Magic ng ABS-CBN.

Si Enzo ay anak ni Cong. Enrico Pineda na siya ring tumatayong business manager ng boxing hero and senator na si Manny Pacquiao. Ang ina naman ng actor ay si Mary Pineda, isang publicist at PR consultant.

Bukod sa pagiging actor, si Enzo ay isang martial arts practitioner and is also into various sports tulad ng boxing, fencing, gymnastics at muay thai. He is also a dancer.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger