Home>Entertainment>Showbiz>Erap may libingan na kahit buhay pa

Erap may libingan na kahit buhay pa

EIGHTY-three years old na ang dating Pangulo ng Pilipinas na si Joseph (Ejercito) Estrada pushing 84 on April 19, 2021 pero siya’y malakas at malusog pa. Pero, maniniwala ba kayo na pinanghandaan na niya ang kanyang libingan pagdating ng araw? Ito’y matatagpuan sa loob ng kanyang 19-hectare property sa Tanay, Rizal kung saan nakatayo ang kanyang resthouse at ang Joseph Ejercito Estrada Museum and Archives. Dito rin siya na-house arrest for four years dahil sa kasong plunder noon.

Sa tabi ng libingan ay isang prominent na malaking bato ang nakalagay. Ito ang kanyang paboritong upuan nung siya’y naka-house arrest at dun din siya madalas magdasal at mag-meditate.

Napakaganda ng pagkakagawa ng museum ni Erap kungsaan lahat naka-diplay ang kanyang memorabilia mula sa kanyang pamilya (his parents and siblings), ang kanyang pagpasok sa showbiz mula 1957 to 1989 bilang actor at producer under Emar Productions and J.E. Productions. Ang kanyang pagpasok sa pulitika since 1969 bilang mayor San Juan, ang kanyang pagiging senador, Vice President at President of the Philippines at pagiging mayor ng Maynila. Ang unang produksyon outfit na Emar ay pinagsamang pangalan ng kanyang parents na sina Emilio (Ejercito) at Maria (Marcelo). Under these two productions ay nakagawa si Erap ng 70 movies with about 130 films sa ibang produksyon. Naka-display rin doon lahat ng kanyang trophies, awards, citations magmula sa kanyang showbiz career hanggang sa kanyang political career, naroon din ang iba’t ibang lifesize statues at iba’t ibang mementos.

Erap was the very first Filipino Hall of Fame Best Actor ng FAMAS.

Nasa museum din ang lahat ang mga larawan ng mahahalagang okasyon ng kanyangbuhay. Naka-display rin doon ang kanyang mga kasuotan (barong, formal suit with matching rubber shoes) na suot niya sa mga importanteng okasyon at kasama na rito ang kanyang panunumpa bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas sa Barasoain Church in Malolos, Bulacan kung saan kasama niya ang kanyang pamilya and his bosom friend, ang yumaong Action King na si Fernando Poe, Jr.

May iba’t ibang trademark lifesize statue si Erap sa buong museum.

Samantala, nagi-enjoy ngayon si dating senador Jinggoy Estrada pagiging vlogger na sinimulan niya sa tour sa museum and archive ng amang si former Pres. Joseph `Erap’ Estrada sa kanilang malawak na property saTanay, Rizal.

Kuwentong multo nina Benjie at Empoy

KONSEPTO ng dating basketball star-turned actor-comedian na si Benjie Paras ang “Ghost Adventures” TV series na ang unang season ay napanood sa Sara-Sari Channel at ngayon ay mapapanood na sa TV5 simula sa October 31 at 6 p.m. mula sa direksyon ni G.B. Sampedro. Bukod kay Benjie, tampok din sa “Ghost Adventures” sina Empoy Marquez, Andrew Muhlach at ang dating beauty queen-turned actress nasi Kylie Verzosa.

Ayon kay Benjie, bata pa umano siya ay mahilig na siyang manood ng comedy shows and movies ganoon din ang mga horror films. Nang magtapos ang kanyang basketball career, binalingan ni Benjie ang pagiging actor, particularly ang pagiging isang komedyante.

Ayon kay Benjie, minana umano niya ang pagiging comedian sa kanyang namayapang ina na mahilig daw magpatawa.

Samantala, sobrang humanga sina Empoy at Andrew at iba pa nilang mga kasama sa programa sa professionalism ni Benjie. Even when he learned that his mom passed on, tinapos pa umano nito ang taping ng programa bago ito umalis.

Sina Benjie at Empoy at nagkasama na rin noon sa isang programa at reunion sa kanilang dalawa ang “Ghost Adventures.”

“Noon pa man ay nakakitaan ko na talaga si Empoy ng future sa larangan ng pagpapatawa. Napakanatural niya,” pahayagni Benjie.

“Isa ako sa natuwa nang mag-click `yung “Kita Kita” nila ni Alex (Alessandra de Rossi). I even congratulated him,” pag-amin pa ng ama nina Andre at Kobe Paras.

Nagpapasalamat naman si Empoy na muli silang nagkatrabaho ni Benjie na isa umano sa mga hinahangaan niya sa larangan ng pagpapatawa.

Nanghinayang naman si Empoy na hindi niya nakatrabaho ang comedy king na si Dolphy.

Still on Benjie, inamin nito na naka-experience na umano siya ng multo habang sila’ynagsu-shoot sila noon malapit sa gumuhong Hyatt Hotel sa Baguio city. Natural na kay Benjie ang pagiging masayahin at maingay during breaktime o kung walang take. At that time, nagkakasayahan umano sila sa set nang bigla siyang makakita ng isangbabae na hindi niya kilala na tila galit at nakatingin sa kaya. Nang tanungin ni Benjie ang isang tagaroon kung sino ang babae ay sinabi nito na matagal nang walang nakatira sa bahay na `yon. Doon umano siya kinilabutan. Hindi na niya nakita muli ang babae matapos siyang huminto sa pag-iingay.

Ikinuwento naman ni Empoy ang kanyang karanasan sa multo nung siya’y namamasukan pa sa isang convenience store sa Bulacan. Graveyard shift umano siya from 10 p.m. hanggang kinabukasan ng umaga. Isang beses ay nagsasalansan siya ng mga bote ng beer nang bigla umano siyang makakita ng isang lalaki na nakasuot din ng itim na apron na nakaupo sa isang case ng beer at nakatingin sa kanya. Hindi niya nakilala ang lalaki kaya bigla siyang lumapit sa kanyang supervisor para itanong kung sino yun. Natakot din ang supervisor at sinabing malamang na ito ay multo ng isang kasamahan nila sa trabaho na malapit na sanang maging supervisor nang mamatay. At dahil sa sobrang takot ni Empoy ay umalis siya sa kanyang trabaho at hindi na bumalik kahit di pa niya nakukuha ang kanyang suweldo.

Kylie inamin na magkasama sila ni Jake sa iisang condo

ISA si Kylie Verzosa ngayon sa busiest actresses sa bakuran ng Viva dahil bukod sa kanyang launching movie na “The Housemaid” na local remake ng 1960 classic movie from South Korea, she has another project kung saan naman niya kasama sina Xian Lim at Marco Gumabao. Nariyan pa ang kanyang weekly horror-comedy series na “Ghost Adventures” kasama sina Benjie Paras, Empoy Marquez at Andrew Muhlach.

Ayon kay Kylie, thankful umano siya sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya na tila kapalit sa ilang buwan na wala umano siyang trabaho during the lockdown.

Ipinagpapasalamat din ni Kylie ang suporta na ipinakikita sa kanya ng boyfriend na si Jake Cuenca lalupa’t mas nauna ito sa kanya pagdating sa acting career.

During the lockdown, inamin ng dating beauty queen na sila’y magkasama ni Jake at ito `yung mga panahon na lalo nilang na-discover ang isa’t isa, although meron silang individual condo unit na magkalapit lang.

Ayon kay Kylie, nasa college pa lamang umano siya ay independent na siya from her family.

Samantala, kung ang ibang artista ay ayaw ng lock-in set-up, si Kylie naman ay nagi-enjoy dahil bukod sa hindi umano nabibitawan ang kanilang respective characters, nagkakaroon umano sila ng bonding with the rest of the cast.

Natutuwa rin si Kylie na nabibigyan siya ng pagkakataon na maka-tackle hindi lamang ng iba’t ibang character kundi maging ng iba’t ibang genre. Being a newbie in the acting world, she makes it a point na pinaghahandaan niya ang role na kanyang gagampanan.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger