Erap nag-concede na, may ‘bala’ pa rin sa pulitika

May 15, 2019
Isko Moreno
Isko Moreno

KAHIT pagsama-samahin ang mga boto ng apat na nakalaban ng actor-politician na si Francisco `Isko’ Moreno Domagoso (44) sa pagka-mayor ng Maynila na sina dating Pangulo at outgoing mayor ng siyudad na si Joseph ‘Erap’ Estrada, dating mayor na si Alfredo Lim, Francis Villegas at Onofre Abad ay lamang pa rin ang boto ng dating Seiko Films at “That’s Entertainment” talent.   Overwhelming ang panalo ni Isko over his political opponents.

Nag-concede na rin ang 82-year-old na si Mayor Erap kay Isko at sinabi nito sa isang panayam na masuwerte ang bagong halal na mayor dahil wala na umano itong utang na mamanahin ’di tulad niya noon nang una siyang umupong mayor ng Maynila.

Bago ang panunungkulan ni Mayor Erap ng dalawang termino sa Maynila, he was the longest-sitting mayor ng San Juan bago siya kumandidato sa pagka-senador, Vice-President at Presidente. He is the most successful actor na pumasok sa pulitika dahil naabot niya ang pinakamataas na posisyon, ang pagiging Pangulo ng bansa.

Si Mayor Erap ay 50 taong nanilbihan as public servant.  Ang pagiging public servant ay minana ng kanyang mga anak, apo, pamangkin, even mga in-laws.

Sa kanyang angkan, may natira pa sa pulitika tulad ng kanyang mga pamangkin na si Jana Ejercito na nanalong konsehal sa San Juan at ang misis ni ER Ejercito na si Maita Ejercito na nanalong vice mayor sa Pagsanjan, Laguna.

May suspetsa kami na ang isa sa papalaot sa larangan ng pulitika in the future ay ang anak ni Mayor Erap na si Jake Ejercito (sa dating aktres na si Laarni Enriquez) na nagtapos ng kanyang pag-aaral sa London and took his masters sa Singapore.

Kaya naniniwala kami na hindi pa tapos ang pamamayagpag sa pulitika ng mga Estrada/Ejercito.  Pahinga muna siguro sa ngayon and they have three years to prepare for the 2022 national and local elections.