Erap at Ramon Sr, tagumpay pati pamilya sa pulitika

February 06, 2019

THERE are showbiz personalities na naging successful sa larangan ng pulitika pati na ang ilang miyembro ng kanilang pamilya. Maihahanay dito sina dating Pangulong Joseph `Erap’ Estrada (81) at Ramon Revilla, Sr. (91).

Si dating Pangulong Erap  na ngayon ay mayor ng Maynila and who is seeking re-election for the third term ay may dalawang anak sa Senado – ang dating senador na si Jinggoy Estrada at ang current senator na si JV Ejercito.  Apo naman niya ang present vice mayor ng San Juan na si Janella Ejercito na tumatakbo naman sa pagka-mayor ng siyudad.  Pamangkin naman ni Mayor Erap sina E.R. Ejercito na naging mayor ng Pagsanjan, Laguna at gobernador ng Laguna at muling kakandidato sa pagka-governor ng Laguna Province sa darating na mid-term elections.  Ang nakababatang kapatid ni ER na si Gary Estrada ay nagsilbing board member ng second district of Quezon for two terms (2010-2016) at ngayon ay kandidato sa pagka-vice mayor ng Cainta.

Dalawa sa mga anak ni Mayor Erap ay parehong kandidato sa pagka-senador – sina  dating Sen. Jinggoy Estrada at Sen. JV Ejercito.  Takakbo rin sa pagka-councilor sa ikag-apat na distrito ng Maynila ang isa niyang anak (sa dating aktres na si Laarni Enriquez) na si Jerika Ejercito-Aguilar.

Ang isa pang prominent showbiz figure na nagtagumpay ang political career ay ang `Agimat King’ na si Ramon Revilla, Sr. (Jose Auncion Bautista, Sr.) na naging senador.  Ito’y kanyang ipinasa sa kanyang junior na si Bong Revilla, Jr. na nanilbihang vice-governor at governor ng Cavite bago ito naging senador.

Muling tumatakbo sa pagka-senador si Bong habang ang kanyang asawang actress-politician na si Lani Mercado is also seeking reelection as mayor of Bacoor, Cavite.  Ang anak ng mag-asawang Bong at Lani na si Jolo Revilla ay kandidato rin for reelection bilang vice-governor ng Cavite (na dati’y hawak ng amang si Bong Revilla).  For reelection din sa pagka-kinatawan ng second district of Cavite ang nakababatang kapatid ni Bong na si Strike Revilla (Edwin Bautista) habang muling tatakbo sa pagka-konsehal ng Bacoor ang isa pa nilang kapatid na si Rowena Bautista-Mendoza.  Ang isa pa nilang nakababatang kapatid na si Andrea `Andeng’ Bautista-Ynares ay kandidato naman sa pagka-mayor ng Antipolo City (unopposed)  at siyang papalit sa kanyang mister, si incumbent Antipolo mayor Junjun Ynares na magtatapos na ang termino bilang mayor.  Si Mayor Junjun Ynares ay nagsilbi ring gobernador ng Rizal sa loob ng tatlong termino.  Si Mayor Junjun Ynares ay nagmula rin sa isang political clan.