Eric: Kim, may laban sa pagka-best actress

December 05, 2018
Kim Chiu

Tatlo ang love scenes ni Kim Chiu sa One Great Love sa kanyang dalawang leading men na sina Dennis Trillo at JC de Vera -- isa sa kama, isa sa fireplace at isa sa bathtub.

Ayon sa aktres, ni-request niya kay Direk Eric Quizon na sa iba-ibang araw kunan ang mga eksena, pero siyempre, kinakabahan daw siya.

“Hindi ko kaya ng isang buong araw ’yun, baka pagtingin ko sa salamin, wala na po akong labi,” natatawa niyang sey sa presscon ng MMFF 2018 entry.

Ano ang ginawa niya to prepare?

“Sinabi naman ni Direk (Eric Quizon) kung hanggang saan lang ’yung shot, saka kung ano ang mangyayari, kasi sabi ko, ‘ituro n’yo naman po sa akin lahat kasi hindi po ako marunong ng natural na maggaganyan.’ So itinuro naman lahat. Tapos ’di ko sila kinakausap lahat,” sabi ni Kim.

Na-flatter naman ang aktres na pinuri-puri siya ni Direk Eric sa entertainment press at nagpahayag na malaki ang laban niya as best actress sa Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal.

“Grabe! Wala pong ganu’n. Ayokong mag-expect. Gusto ko lang mapanood ’to ng mga tao kasi tinanggap ko ’tong pelikulang ito kasi gusto ko, iba naman.”

Aniya, to be nominated ay sapat na sa kanya at sobrang saya na niya.

“Dati na-nominate rin ako sa All You Need is Pag-ibig, supporting (actress). So, iba pala ’yung pakiramdam ng ganu’n, ’no? Na ma-nominate ka, na ma-appreciate ka,” sey niya.

Ipapalabas sa Dec. 25 ang One Great Love bilang isa sa Magic 8 entries ng Metro Manila Film Festival handog ng Regal Entertainment.