Erich ayaw maging supporting nina Kim at Xian

August 17, 2019
Erich Gonzales

‘CREATIVE differences’ ang sinabing dahilan ng pagba-back out umano ni Erich Gonzales sa bago sana nitong teleserye, ang “Love Thy Woman” na siyang magiging reunion TV series ng magkasintahang Kim Chiu at Xian Liam na pinamamahalaan ni Jeffrey Jethurian under Dreamscape Entertainment. Pinalitan si Erich ng `Halik’ star na si Yam Concepcion.

Si Erich ay huling napanood sa panghapong serye nung isang taon ang “The Blood Sisters” where she played three different characters.

Although lead ang character na gagampanan sana ni Erich as Dona Wong, naisip niya marahil na magiging supporting lamang siya sa tambalan nina Kim at Xian. But Yam was just too glad to accept the role.

Ang “Love Thy Woman” ay tinatampukan din nina Christopher de Leon, Eula Valdez (na nasa “General’s Daughter” din), Sunshine Cruz, Zsa Zsa Padilla, Ruffa Gutierrez, Tori Garcia, Janna Victoria, Tim Yap, Jennifer Sevilla at iba pa.

Samantala, masaya ang magkasintahang Kim at Xian dahil muli silang magkatambal sa isang serye. Ang dalawa ay huling nagkatambal sa TV series na “The Story of Us” in 2016.