Ex ni Angel, kinasal na

July 22, 2019
Phil Younghusband & Margaret Hall
Phil Younghusband and Filipino-Spanish wife Margaret Hall

KAPAMILYA actress Angel Locsin got engaged to her businessman and movie producer fiancé na si Neil Arce last June 29, 2019 and now planning her future with him.  Bago si Neil, huling naging kasintahan ni Angel ang TV host-actor at entrepreneur na si Luis Manzano.

Naging boyfriend din niya noon si Oyo Sotto at ang namayapang pinsan nitong si Miko Sotto, anak ng estranged couple na sina Ali Sotto at Maru Sotto.  Bago si Luis, ay naging nobyo rin ni Angel ang Filipino-British football player na si Phil Younghusband na nagpakasal last Sunday, July 21 sa kanyang Filipino-Spanish wife na si Margaret Hall. The new couple got married in Canterburry in United Kingdom.

Si Margaret bale ang naging girlfriend ni Phil after his break-up with Angel in 2013.  
The two got engaged on Christmas Day in 2017.

Hindi naman nagbibigay pa ng detalye ang newly-engaged couple na sina Angel at Neil  kung mangyayari this year o sa isang taon pa ang kanilang kasal.

Ngayong engaged na si Angel kay Neil, inaabangan naman ng publiko ang pagpu-propose ni Luis Manzo sa kanyang girlfriend of three years na si Jessy Mendiola.

At 38, handang-handa na si Luis na magkaroon ng sarili niyang pamilya laluna’t inuungutan na siya ng apo ng kanyang mom, ang actress-politician na si Rep. Vilma Santos.

Bukod sa stable ang kinikita ni Luis bilang TV host ng Kapamilya Network at pagiging celebrity endorser, isa rin siyang successful businessman.  He owns a taxi fleet, a perfume line, gasoline station and also into food business.