Home>Entertainment>Showbiz>Ex PBB housemates nagsanib-puwersa para sa nasalanta ng bagyo

Ex PBB housemates nagsanib-puwersa para sa nasalanta ng bagyo

Pinoy Big Brother
Pinoy Big Brother ex-housemates

MULING nagsama-sama ang hosts at ex-housemates ng “Pinoy Big Brother” sa pangunguna nila Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, at Robi Domingo kasama ng dating Big Winners na sina Nene Tamayo, Kim Chiu, Melai Cantiveros, at Maymay Entrata upang tanggapin ang hamon ni Kuya na tumulong sa mga nasalanta ng mga bagyong Rolly at Ulysses.

Isang virtual reunion ang “PBB Kumunect sa Pagtulong,” isang espesyal na livestream event sa Kumu, kung saan nagkwento, nagtanghal, at nanawagan ang ex-housemates sa publiko na magmalasakit sa kapwa.

Samantala, ang tubong Albay na si Barbie Imperial ng programang “Bagong Umaga,” umapila sa viewers na magbahagi ng tulong para unti-unting makapagsimula ang kanyang mga kababayan.

Aniya, wala siyang balita sa kanyang naiwang mga kamag-anak sa Bicol sa loob ng tatlong araw dahil sa kawalan ng signal.

Pinagdasal naman ni “PBB Connect” host Toni Gonzaga ang lahat ng nasalanta na sanay ay makabangon sila sa matinding unos.

Bumuhos din ang mga mensahe ng pag-asa at tulong pinansyal mula sa iba pang ex-housemates na ipapaabot nila sa ABS-CBN Foundation. May iba namang ex-housemates na naghatid ng saya at inspirasyon sa kanilang song and dance numbers. May Kumuzens din na nagbahagi ng mga mensahe para lumakas ang loob ng mga apektado ng bagyo na makaahon sa buhay.

Sinimulan na ng ABS-CBN at ng Kumu ang pagbibigay pag-asa at pagpapatibay koneksyon ng mga Pilipino ngayong panahon ng pandemya sa pamamagitan ng “PBB Kumunect sa Pagtulong,” kung saan naging host si Bianca Gonzalez kasama sina Sky Quizon at Kiara Takahashi.

Subaybayan ang mga paparating na ganap sa loob ng bahay ni Kuya sa Kumu, A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, ABS-CBN Entertainment Channel, at sa mga opisyal na social media account ng “PBB.”

Mark at Nicole ipinasilip ang sonogram ng baby

Mark Herras and Nicole Donesa
Mark Herras and Nicole Donesa

MARAMING netizens ang nakaabang sa pagdating ng firstborn ng Kapuso couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa. Kaya naman, ibinahagi ng dalawa ang sonogram ni Baby Corky sa social media.

Sa recent vlog nina Mark at Nicole, ipinasilip nila sa viewers at fans ang naging experience ni Nicole sa kaniyang 4D and Congenital Ultrasound. Kuwento ng DOTS Ph actress, masaya sila na healthy ang kanilang baby, “4D is where we actually see his face and the congenital ultrasound is where we’ll scan and detect kung may mga early abnormalities. The doctor said na matangos ang ilong at mahaba ‘yung lips niya.”

Proud naman si Mark sa posibilidad na siya ang magiging kamukha ng anak.

Kapuso stars at personalities, nominado sa 33rd Aliw Awards

Golden Cañedo
Golden Cañedo

NOMINADO ang ilang Kapuso stars at personalities sa 33rd Aliw Awards na nakatakdang ganapin sa December 8.

Nakatanggap ng nominasyon si Golden Cañedo para sa mga kategoryang Best Female Performance in a Concert at Best New Artist.

Nominado rin si Jeremiah Tiangco bilang Best New Artist.

Samantala, nominado naman si Donita Nose bilang Best Stand-up Comedian, habang si Paolo Valenciano bilang Best Stage Musical Director for a Musical para sa “Joseph The Dreamer.”

Nakatanggap din ng tatlong nominasyon ang “1 FOR 3” concert kung saan nominado si Paolo para sa Best Concert Stage Director category, si Mel Villena bilang Best Musical Director for a Concert, at sina Christian Bautista, Aicelle Santos, at Mark Bautista para sa kategoryang Best Collaboration in a Concert.

Kabilang din sa nominees sa kategoryang Best Collaboration in a Concert sina Pops Fernandez at Martin Nievera para sa “Two-gether Again” at sina Lani Misalucha, Basil Valdez, at Ryan Cayabyab para naman sa “And The Story Begins.”

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal