Home>Entertainment>Showbiz>Ex-wife ni Chuck bakit naiwan sa Pilipinas?

Ex-wife ni Chuck bakit naiwan sa Pilipinas?

Chuck Perez
Chuck Perez

KUMUSTA na kaya ngayon ang dating actor na si Chuck Perez (Charles Higgins), ang half-brother ng veteran director na si Elwood Perez?

Chuck has long been separated sa kanyang Filipino-Chinese wife na si Eva Marie Mallare-Higgins. The ex-couple got married in a civil wedding ceremony sa tanggapan ng dating mayor na si Jinggoy Estrada ng San Juan City nung September 22, 1992 after seven years of being together at pagkakaroon ng tatlong anak na sina Samantha (28), Timothy (27) at Chuckie (26).

Except for Eva Marie na narito pa sa Pilipinas, sina Chuck at tatlong anak ay pare-parehong nasa Amerika na but all living independently from each other.

After Eva Marie, heard that Chuck remarried in the US thrice pero tatlong beses na rin siyang nahiwalay and he might have a new partner now habang ang kanyang ex-wife has remained single.

Sina Chuck at Eva Marie met in New Manila, Quezon City kung saan sila pareho nakatira noon. Nagpapasyal si Eva Marie ng kanyang pet dog nang makita siya ni Chuck na naglilinis naman ng kanyang sasakyan. Nang makita ng actor si Eva Marie ay agad niyang ipinagtanong kung saan ito nakatira. Nilagawan niya ito and eventually, naging misis.

Tumagal ang pagsasama ng dalawa ng pitong taon. Dumating umano sa punto na nagbisyo ang actor at may pagkakataon na siya’y pisikal na sinasaktan. Ito umano ang rason kung bakit sila nagkahiwalay.

Nagpapasalamat naman si Eva Marie dahil lumaking mabubuti ang kanilang tatlong anak na pare-pareho nang stable ang respective career sa Amerika.

Ang panganay na si Samantha ay nasa U.S. Air Force habang sina Timothy at bunsong si Chuck(ie) ay parehong nasa U.S. Navy.

Naiwan sa Pilipinas si Eva Marie dahil inaasikaso pa umano nito ang mga properties na naiwan ng kanyang nasirang ina. Pero kapag natapos na ito ay susunod din siya sa mga anak sa Amerika.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)