Experience sa showbiz, nakatulong kay Camille

December 20, 2018

Malaki ang pasasalamat ng unica hija ni Senator Cynthia Villar and businessman Manny Villar na si Camille Villar sa naging short experience niya na pasukin ang show business at mag-host ng dalawang shows ni Willie Revillame.

Ayon kay Camille nang makatsikahan ng entertainment press, napakarami niyang natutunan sa pagpasok niyang ’yun sa showbiz.

“I think, it’s one of the most valuable experiences I’ve had for myself. I didn’t see myself in show business or the entertainment industry but I learned so much, and I think, that prepared me so much for politics. And not just politics, but even in business, even in retail, like in terms of relating to people, knowing what people want.

“Like I, honestly, right now, I feel, looking back, when you’re there, parang okay lang, parang masaya naman siya, marami naman akong natututunan.

“Pero looking back, I mean, that was five years ago, I learned and it prepared me immensely. That experience prepared me for this, to where I am now,” pahayag ni Camille.

As we all know ay sumabak na rin sa pulitika si Camille dahil kumakandidato siyang congresswoman for the lone district of Las Piñas sa 2019 elections.

At 34, ayon kay Camille, feeling niya ay handang-handa na siyang pumasok sa pulitika bilang maraming taon din naman niya itong nasaksihan sa kanyang mga magulang at kapatid.

Pero ang talaga raw nakapagpadesisyon sa kanya ay ang pagmamahal niya sa Las Piñas.

“The love for Las Piñas has always been there so it’s quite exciting to be given the opportunity,” she said.

Marami na rin daw siyang natutunan sa kanyang mga magulang at mga kapatid pagdating sa pagsisilbi sa bayan.

Kahit ang ina niyang si Sen. Cynthia ay sinasabing sa magkakapatid daw, si Camille ang pinaka-natural for politics.

“Mahilig siya, eh, nakikita mo naman, maybe (because of) the exposure to showbiz,” sey ng senadora.