Eye-opener sa showbiz industry

June 14, 2019

SAMANTALA, ilang malalapit kay Eddie ang dumalaw sa kanya sa ICU ng MMC ay sina Robin Padilla, Phillip Salvador, Coco Martin, writer-actress-director Bibeth Orteza,  senator-elect Bong Go at Sen. Grace Poe-Llamanzares at iba pa.

Dahil sa nangyari kay Eddie, tiyak na ire-require na ng mga TV network and movie producer ang pagkakaroon ng medics o medical team sa tapings or shootings.  Unfortunately, walang medic at ambulance ang naka-standby sa taping ng “Rosang Agimat” nang mangyari ang aksidente kay Eddie considering na ito’y kinunan sa isang kulob at masukal na lugar ng tondo sa gitna ng kainitan ng haring araw.

Sinubukan naming kontakin ang director ng action-drama series  na si Toto Natividad for his comment at personal account sa nangyari pero hindi namin ito nakausap dahil ni hindi ito nag-return call man lamang sa amin.

Isa itong eye opener para sa mga taga-industriya.