Fake news!

November 30, 2018
Alden Richards

Mali ang kumalat na balitang hindi matutuloy umalis for their US vacation si Alden Richards at ang kanyang pamilya.

Mismong ang ama ng aktor ang nagtuwid ng fake news.

Bakit nga naman hindi matutuloy ang alis ng pamilya ng aktor, eh, nabigyan na sila ng US visa?

Two weeks sa US sina Alden. May time siya to bond with his family and to visit his brother, his grandmother and cousins sa San Francisco, California at mamasyal sa iba pang parte ng Amerika.

Samantala, simula bukas, Sunday, December 2, mapapanood si Alden sa pamaskong handog sa Daig Kayo ng Lola Ko.

Pagbabalik ito ni Alden sa DKNLK, his third time, at gaganap siya bilang Pinoy Santa na si Nonoy, isang ordinaryong kutsero.

Kasama ni Alden sa Christmas episode sina Nar Cabico, Yasser Marta, Dave Bornea, ang child actor na si Yuan Francisco bilang Elfis at veteran actress Luz Valdez.

Ang cute ng mga eksena ni Alden at mga kasamang kutsero dahil may uniform pala sila.

Si Rico Gutierrez ang director ng episode na kinunan pa sa Taal, Batangas.

May nabanggit si Alden na isa pang sorpresa niya sa kanyang fans, pero wala siyang binanggit na clue.