Fake news tungkol sa kapatid na doktor ni Ruby 

March 29, 2020

FAKE news na dumalo si Dr. Sally Gatchalian sa party na ginanap sa bahay ni Senator Manny Pacquiao noong March 4 dahil hindi siya pulitiko at lalong hindi  member ng PDP-Laban.

Si Dr. Gatchalian ang kapatid ni Ruby Rodriguez na sumakabilang-buhay noong March 26, 2020 dahil sa COVID-19.

Naungkat ang fellowship dinner  ng mga miyembro ng PDP-Laban sa Makati City residence ni Pacquiao dahil nagpositibo sa COVID-19 si Senator Koko Pimentel na isa sa mga attendee.

Pinalalabas ng mga mangmang na posibleng nahawahan ni Pimentel (kabilang si Gatchalian)  ang ibang mga mambabatas na dumalo sa nabanggit na fellowship dinner na imposible dahil nangyari ito noong March 4 at March 5 naman nang magkaroon ng Senate hearing na dinaluhan ng isang resource person na positive sa coronavirus.

Tsismosong-tsismoso ang mga Pilipino na nakisawsaw sa isyu dahil ipinagpipilitan nila na March 5 ang petsa ng party samantalang hindi naman sila imbitado at nakikitsismis lamang sila.

Para hindi maging questionable ang kredibilidad ng mga nagpapanggap na marurunong, piliin nila ang mga balita na paniniwalaan. Higit sa lahat, itanim nila sa kanilang mga kokote na hindi totoo ang lahat ng mga nababasa nila sa social media. Para hindi mapahiya, siguraduhin na nagmula sa legitimate source ang mga balita na ikinakalat nila.