Fans, bitin kina Janine at Rayver

January 01, 2019
Janine Gutierrez & Enchong Dee

Ang pelikulang Elise, first time pinagtambalan nina Janine Gutierrez at Enchong Dee, ang first offering ng Regal Entertainment sa direction ni Joel Ferrer at showing sa January 23.

Nakaka-intriga ang tagline ng movie na inspired ito sa true story. Kanino kayang true story ang pinagbasehan ng movie? 

Nabanggit minsan ni Enchong na may kissing scene sila ni Janine at ininggit pa niya si Rayver Cruz, mas nauna pa raw siyang magkaroon ng kissing scene kay Janine, GF ni Rayver.

Samantala, masayang sinalubong ni Janine ang 2019 dahil nakapagbakasyon sila ng kanyang mga kapatid at amang si Ramon Christopher sa Los Angeles noong 2018 Christmas.

Kahit one week lang sila nag-bonding, masaya pa rin si Janine dahil minsan lang mangyari na magkakasama sila sa ibang bansa.

Dobleng saya rin ’yun kay Janine dahil kasama niya si Rayver sa kanilang bakasyon.

May reklamo lang ang fans ng dalawa, ang tipid daw nilang mag-post ng photos na magkasama na para bang iwas na iwas pa ring ipaalam ang kanilang relasyon.