Home>Entertainment>Showbiz>Fans mas madali nang makaka-bonding ang paboritong stars online

Fans mas madali nang makaka-bonding ang paboritong stars online

MAS madali nang maging updated at connected ang fans sa kanilang paboritong stars sa pamamagitan ng GMA Artist Center YouTube channel.

Dito ay mapapanood ang ilang online shows tulad ng Just In with Paolo Contis and Vaness del Moral tuwing Miyerkules, E-Date Mo si Idol kasama ang new host na si Pekto Nacua tuwing Huwebes, at Quiz Beh! hosted by Betong Sumaya tuwing Biyernes.

May bago ring online shows na inilunsad ang GMA Artist Center. Ito ang ‘In The Limelight’ kung saan mas makilalala ang featured Kapuso star; ‘Hangout,’ isang weekly live fan meet; at Cool Hub, hosted by Yasser Marta, Myrtle Sarrosa, Manolo Pedrosa, at Ayra Mariano, tampok ang iba’t ibang koleksyon ng celebrities.

Samantala, excited sina Paolo at Vaness sa pagbabalik ng Just In.

“Tulad ninyong lahat ay naging Wednesday habit ko na rin ang Just In para makapagkuwentuhan at makipagkumustahan sa inyo,” kuwento ni Paolo.

Dagdag naman ni Vaness, “Season 2 na ng Just In and sobrang favorite ko ‘tong show na ‘to dahil dito nakakumusta at nakakausap natin ang mga artistang matagal na nating hindi napapanood sa TV at siyempre ‘yung mga artistang nasa ibang bansa na.”

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal