Home>Entertainment>Showbiz>Fans ni Willie nabiktima ng fake news

Fans ni Willie nabiktima ng fake news

NAKAKAAWA ang mahigit 4,000 tao na naghintay noong Enero 27 sa ibaba ng Wil Tower (tapat ng ABS-CBN compound) para bumati ng happy birthday sa TV game show host na si Willie Revillame. Alam na natin na naghihintay din ang mga itong mabigyan ng biyaya ng TV host na kilala sa pagtulong sa mahihirap. Ang problema, fake news ang lumabas na magbibigay muli ng tulong o ayuda ang TV host sa kanyang kaarawan.

Naghintay ang mga taong ito mula umaga hanggang gabi pero walang nangyari. Pero walang nagawa si Willie dahil sa protocols na may kinalaman sa COVID 19 pandemic. Humingi na nga siya ng tulong sa local government ng Quezon City na nagpadala naman ng mga pulis at ambulansya, in case na may mangyaring hindi maganda. At hindi talaga siya masisisi na hindi siya nagpakita sa mga ito dahil gusto lamang niyang mag-ingat. Gayunman, humingi siya ng paumanhin at aniya, gagawa siya ng paraan sa ibang pagkakataon para maipaabot ang kanyang tulong.

Sana naman ay makonsiyensya ang mga taong nagkakalat ng fake news. Malaking perhuwisyo ito sa mga taong naniniwala, and this time, ang naging biktima ay mga taong umaasa ng kahit maliit na biyaya mula sa TV host.

Kim on Lexi: The peanut butter to my jelly

Kim de Leon and Lexi Gonzales
Kim de Leon and Lexi Gonzales

“THE peanut butter to my jelly” kung ituring ni Kim de Leon ang kanyang leading lady na si Lexi Gonzales sa bagong fantasy-romance anthology series ng GMA News TV na “My Fantastic Pag-ibig.” Sina Kim at Lexi ang bibida sa first installment nitong “Love Wars.”

“As a love team partner, I guess she’s the peanut butter to my jelly. I love working with her, nakikita ko naman na kumportable na kami sa isa’t isa as a love team. Si Lexi nakakasama ko na on-cam and off-cam. StarStruck pa lang we’re good friends na kaya there’s no awkwardness at all. Hindi ako nahirapan na makatrabaho siya,” aniya sa interview with GMANetwork.com.

Bukod dito, mahusay na aktres din daw umano si Lexi. “In fact, natutulungan niya ako sa mga eksena at she’s very good. Magaling siya umarte. Very professional kaya I love working with her,” dagdag pa ni Kim.

Ang “Love Wars” ay tungkol sa isang kupido at dating app developer. Nangangamba ang mga kupido na maraming tao ang magiging broken-hearted at mawawalan ng paniniwala sa true love dahil sa dating app na “MatchMaker.”

Kaya naman ang magiging misyon ni Milos/Pido (Kim) ay isabotahe ang tagumpay ng dating app. Magpapanggap siyang intern at mag-a-apply sa kumpanyang humahawak sa “MatchMaker.” Doon ay makikilala niya ang charming na developer nito na si Lovelyn (Lexi).

Bukod kina Kim at Lexi, kabilang din sa cast sina Rodjun Cruz, Divine Aucina, Maey Bautista, at Mike Liwag.

Mula sa direksyon ni Michael Christian Cardoz, mapapanood na ang ‘My Fantastic Pag-ibig’ simula January 30, 7:45 p.m. sa GMA News TV.

Royce graduate ng construction engineering

Royce Cabrera
Royce Cabrera

GRADUATE pala ng Bachelor of Science in Construction Engineering and Management sa Mapua University ang Kapuso hunk na si Royce Cabrera. Kaya naman ibinahagi niyang pangarap niyang magkaroon ng isang construction business.

“Kasi minsan kapag may tinatayo ring mga bahay, kunwari mga friends ko, or ito sa bahay, nagtatanong sila Mama, nababalik-tanaw ko ‘yung mga pinag-aralan ko. Nakaka-miss rin kasi gusto ko rin ‘yung course na inaral ko, e. So, baka, baka, ‘pag nakapag-ipon tayo ng malaki-laki. Baka ‘yung business na i-invest ko, malapit sa tinapos ko para hindi na lumayo,” kuwento niya.

Mapanood si Royce sa third installment ng GMA Public Affairs fantasy romance-anthology series na My Fantastic Pag-ibig katambal ni Ella Cristofani at sa TV adaptation ng ’80s classic film na Nagbabagang Luha kung saan makakasama naman niya sina Glaiza de Castro at Rayver Cruz. Mayroon din siyang kabi-kabilang guestings sa iba’t ibang Kapuso shows.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal