Fans tuwa kay Dimples, galit kay Daniela

August 16, 2019

HINDI akalain ng 34-year-old actress na si Dimples Romana na tatatak nang husto sa mga manonood ang kanyang character as Daniela Mondragon-Bartolome sa hit afternoon TV series na “Kadenang Ginto” na nagsimulang umere nung October 8, 2018 at malapit nang umabot sa isang taon.

Kahit saan mapunta ngayon si Dimples ay Daniela na ang tawag sa kanya ng mga tao at hindi rin maiwasan na marami ang galit sa kanya dahil sa character na ginagampanan.

In her over two decades sa industriya, na-develop nang husto ang pagiging mahusay na aktres at TV host ni Dimples who got married at an early age in 2003.  But she is happily married to her non-showbiz husband na si Boyet Ahmee at meron na silang dalawang anak na sina Callie at Alonzo.

Si Dimples ay nagtapos ng International Hospitality Management major in Culinary at Enderun College in Taguig City.

Her first TV appearance was in  1997,  sa TV series na  “Esperanza” na pinagbidahan ni Judy Ann Santos kasama sina Marvin Agustin, Wowie de Guzman, Piolo Pascual at Angelika de la Cruz.  Ang nasabing serye ay tumagal sa ere ng dalawang taon.

Bukod sa “Kadenang Ginto” may upcoming movie si Dimples, ang zombie movie na “Block Z” na pinagbibidahan ng dating magkasintahang Joshua Garcia at Julia Barretto.  Kasama rin siya sa Metro Manila Film Festival movie nina Vice Ganda at Anne Curtis, ang “Momalland”.