Home>Entertainment>Showbiz>FDCP holds first virtual PPP

FDCP holds first virtual PPP

ANG kauna-unahang virtual PPP4 (Pista ng Pelikulang Pilipino) na proyekto ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ng chairperson na si Liza Dino ay magsisimula sa araw na ito ng Sabado, October 31 na tatagal until December 13, 2020 with 170 films na ipapalabas which were categorized into various genres.

Ang PPP4 festival line-up will include PPP Premium Section (the competing films), Special Screenings, Romance, Youth & Family, Classics, PH Oscar Entries, Genre, Bahaghari, Tribute, From the Regions, Documentaries, PPP Retro, CineMarya at ang PPP Short Films (free).

Ang PPP4 Short Film Showcase ay magsisimula sa araw na ito, October 31 hanggang December 13, 2020 habang ang PPP Main Feature Film Showcase ay matutunghayan simula sa November 20 hanggang December 13, 2020.

Since nasa gitna pa rin ang lahat ng pandemya at ng tinatawag na `new normal,’ FDCP came up with a new platform na kayang sakyan at tangkilikin ng mas nakararami.

Since sarado pa ang mga sinehan (for over 7 months now), ang virtual film festival ang best alternative sa ngayon na maituturing na malaking challenge sa FDCP.

Ang maganda, bukod sa sampung PPP4 Premium Selection (competing films), lahat ng mga paid subscriber ay makakapanood pa ng 160 more films kung saan kasama ang mga classic film na “White Slavery” ni Lino Brocka, “Genghis Khan” ni Manuel Conde, “Manila by Night” ni Ishmael Bernal, “Balikbayan #1: Memories of Overdevelopment Redux VI” by Kidlat Tahimik at ang “Ang Panday” ni Fernando Poe, Jr. habang ang lahat ng short films ay mapapanood nang libre.

May special screening din ang “Mula sa Kung Ano ang Noon” ni Lav Diaz. Kasama ring mapapanood ang mga pelikulang ipinadala sa Oscars tulad ng “Ma’ Rosa” ni Brillante Mendoza, “Verdict” ni Raymund Ribay Gutierrez, “Sa Pusod ng Dagat” ni Marilou Diaz-Abaya at “Saranggola” ni Gil Portez.

Magpapalabas din ng ilang tribute movies tulad ng “Death Row” by Joel Lamangan (for Eddie Garcia), “Adela” by Adolfo Alix (for Anita Linda), “Insiang” by Lino Brocka (for Mona Lisa), “Muro-Ami” by Marilou Diaz-Abaya (for Marilou Diaz-Abaya), “Filipinas” by Joel Lamangan (for Armida Siguion-Reyna) at ang “Sonata” by Peque Gallaga and Lore Reyes (for PequeGallaga). Kasama naman sa Bahaghari Section ang “Rainbow’s Sunset” by Joel Lamangan, “Ang Huling Cha Cha ni Anita” ni Sigrid Andrea Bernardo, “Ned’s Project” by Lemuel Lorca,

“Billie and Emma” by Samantha Lee at “Aking ang Korona” by Zig Dulay.

Samantala, ang sampung PPP Premium Selection include “The Helper” by Joanna Bowers, “Blood Hunters: Rise of the Hybrids” by Vincent Soberano, “Brutal” (restored) by Marilou Diaz-Abaya, “Cleaners: by Glenn Barit, “Itoshi No Irene (Come On, Irene) by Keisuke Yoshida, “Ang Lakaran ni Kabunyan: Kabunyan’s Journey to Liwanag” by Kidlat Tahimik, “He Who is Without A Sin” by Jason Paul Laxamana, “Kintsugi” by Lawrence Fajardo, “The Highest Peak” niArbiBarbarona at “Batch `81” ni Mike de Leon.

Samantala, kapag naging successful ang first online film festival ng PPP, hindi kami magtataka kung ganitong format or platform na rin ganapin ang iba’t ibang film festivals sa bansa.

Dulce’s story

ASIA’S Timeless Diva Dulce was a battered child growing up sa isang barrio in Cebu City.

Dalawang taong gulang pa lamang si Dulce ay naroon na ang passion niya sa pagkanta. She was 12 nang siya’y unang nag-audition sa “Tawag ng Tanghalan” in Manila pero siya’y na-reject dahil sa kanyang edad. Nakitira sila ng kanyang ina sa isang kaibigan from Cebu sa Binan, Laguna. Para makatulong, kumakanta si Dulce sa iba’t ibang lounge kahit menor de edad pa siya. When she turned 13, muli siyang nag-audition sa TNT at natanggap na siya. Although umabot siya sa grand finals, hindi siya ang nanalo.

Naging regular singer si Dulce sa isang popular resto-bar sa Makati City, ang Cebu Restaurant, at dito siya nakilala ng yumao at kilalang composer na si George Canseco in 1978. Naghahanap noon si George ng bagong singer na kakanta ng theme song ng pelikulang “Dulce Amor: Ina.”

Dulce recorded the song and promoted it in various TV programs and TV networks. Since masyadong mahaba ang kanyang real name na Maria Teresa Magdalena Abellare Llamedo na may palayaw na Tess or Maritess, George suggested na gawing Dulce (taken from the title of the movie) ang kanyang screen name.

To know her full story, watch my exclusive interview with Dulce sa “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel starting today, Saturday at 12 noon.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger