Fearless forecast sa Pista ng Pelikulang Pilipino

August 30, 2019

SIMULA sa September 13 hanggang September 19, 2019 ay matutunghayan in all local cinemas nationwide ang sampung pelikula sa week-long Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na pet project ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ng chairperson na si Liza Dino.  Ito bale ang ikatlong taon ng PPP na nagsimula nung taong 2017.

Out of the ten entries, ang tatlo rito ay kasama sa Sandaan Feature Showcase – ang “Circa,” “Lola Igna” at “Pagbalik” habang ang pito pang pelikulang kalahok ay ang “G!,” isang barkada movie na tinatampukan nina McCoy de Leon, Jameson Blake, Paulo Angeles, Mark Oblea at Kira Balinger na pinamahalaan ni Dondon Santos; pangalawa ang “I’m Ellenya L” na pinagbibidahan ng dating magkasintahang Maris Racal at Inigo Pascual na dinirek ni Boy2 Quizon; ang action-drama movie na “Watch Me Kill” nina Jean Garcia, Jay Manalo at iba pa; ang “Open” nina JC Santos at Arci Munoz na dinirek ni Andoy Ranay; ang “Cuddle Weather,” “LSS” at “The Panti Sisters” nina Paolo Ballesteros, Christian Bables at Martin del Rosario na dinirek ni Jun Lana under IdeaFirst Company.

Mapanatili kaya ni JC Santos ang kanyang winning streak sa PPP ngayong si Arci Munoz ang kanyang kapareha  sa pelikulang “Open” at hindi si Bella Padilla na siya niyang nakasama sa first two PPP movies na “100 Tula Para Kay Estela” at “The Day After Valentine’s “ mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana?

Malaki naman ang posibilidad na mag-number one sa takilya ang “The Panti Sisters” na first time collaboration ng IdeaFirst Company, Black Sheep Productions .and ALV Productions.

Huwag naman sanang matulad sa pelikula ng ex-sweethearts na sina McCoy de Leon at Elisse Joson na “Sakaling Maging Tayo”  ang “I’m Ellenya L” nina Maris Racal at Inigo Pascual na hindi gaanong kinagat sa takilya dahil naipalabas ang movie kung kelan hiwalay na ang dalawa.  Sa case nina Inigo at Maris, wala na rin sila bago pa man maipalabas ang first team-up nila sa pelikula kung saan sila ang mga pangunahing bituin.

Samantala, thankful ang Viva Films, ang lead stars na sina Anne Curtis at Marco Gumabo at ang writer-director na si Jason Paul Laxamana na kahit na-reject ng PPP ang pelikulang “Just A Stranger” ay pumalo ito nang husto sa takilya nang ito’y ipalabas last August 21.