Federico ipinagpapatuloy ang naiwan ni kuya Germs

May 11, 2019

SAMANTALA, ibinahagi sa amin ni Federico Moreno na bumalik na siya sa Valencia house ng kanyang yumaong ama (German ‘Kuya Germs’ Moreno) kung saan niya kasama ang kanyang pinsan na si Dr. John Nite and he stays in his late father’s bedroom.  Ayon sa kanya, sobrang dami ng gamit at mga collection ng kanyang ama at unti-unti umano niya itong inaayos.

His four children stay with his ex-wife na si Sheila Magdayao, kapatid nina Vina Morales at Shaina Magdayao plus another sister na si Sheryl. But he is co-parenting his kids with his ex-wife at madalas din niyang kasama ang kanilang mga anak.

Ipinagpapatuloy din ni Federico ang pagbibigay ng recognition sa mga deserving artists para sa taunang Walk of Fame sa Eastwood City in Quezon City at ang pagbibiday ng German Moreno Youth Achievement Award, isa sa mga special awards ng FAMAS Awards.

Si Federico ay nagtapos ng BS Management sa Philippine School of Business Administration (PSBA).

Naibalita rin sa amin ni Federico na magkakaroon din umano ang Moreno Group of Companies ng talent management.

Masayang-masaya naman si Federico na makita ang ilang  veteran entertainment writers na malapit sa kanyang yumaong ama tulad nina Veronica Samio, Ed de Leon, Manay Letty Celi, Rowena Agilada, Nitz Miralles at Erlinda Rapadas.

Sa January 8, 2020 ay mag-aapat na taon nang namayapa ang Master Showman na si Kuya Germs na napakaraming talents and stars ang natulungan.

Ang Studio 6 ng GMA ay nakapangalan kay Kuya Germs bilang pagkilala sa malaking kontribusyon na naibahagi ng star builder at TV host nung ito’y nabubuhay pa.