Film Development Council of the Philippines chairman Liza Diño kahanga-hanga

September 14, 2019

DAPAT i-commend ang Film Development Council of the Philippines chairperson na si Liza Diño dahil sa matagumpay na pagsasagawa ng “Sine Sandaan” bilang centennial celebration ng Philippine Cinema. Ito’y ginanap sa New Frontier Theater last Thursday, September 12 at dinaluhan ng mga luminaries sa industriya including superstar Nora Aunor, Piolo Pascual, Claudine Barretto, ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, ang bagong kasal (same day) na sina Baron Geisler at misis niyang si Jamie Marie Evangelista, Alden Richards, Bea Alonzo,  Coco Martin, Albert Martinez, Mark Lapid, Dante Rivero, Michael de Mesa, Niño Muhlach, Jaypee de Guzman, Amy Austria, ang mag-asawang Pokwang at Lee O’Brien, Maris Racal, Bailey May, Anne Curtiz, Ara Mina, Angel Locsin, Janice de Belen, Eula Valdez, Vice Ganda, Jodi Sta. Maria, Arci Muñoz at marami pang iba.

Ang Sine Sandaan ay isinagawa isang araw bago ang pagsisimula ng ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na isa ring proyekto ng FDCP ni Liza Diño na nagsimula last Friday, September 13 at magtatapos ngayong September 19, 2019.

Sampung magkakaibang pelikula ang kalahok sa 3rd PPP.