Franchise ni Alden ng sikat na fast food, nag-groundbreaking na

December 10, 2018

Ang tweet ni Alden Richards na “Pakisama nga po ako sa listahan ng mga pinakamasasayang tao sa mundo ngayon, maraming salamat. Good morning,” last Sunday, December 9.

Isa sa mga rason ng saya ni Alden noong Sunday ang groundbreaking ng franchise branch niya ng McDonald’s sa Biñan City, Laguna.

Sa  April 29, 2019 ang target opening ng McDo nina Alden at may mga nakita kaming hollow blocks so ibig sabihin, sisimulan agad ang construction nito.

Bukod sa McDo, magbubukas din next year ang branch ng Concha’s Garden sa Silang, Cavite at may iba pang business na binabalak si Alden.

Kahit lumago ang mga negosyo, hindi pa rin iiwan ni Alden ang showbiz, ito ang ipinangako niya sa mga dumalo sa 8th anniversary niya sa showbiz na ginawa sa Bahay Alumni sa UP Diliman noong December 8.

Nabanggit niya na may mga planong pinag-uusapan between him and GMA-7, kaya maghintay lang ang kanyang fans.       NM