Francisco malaki ang pag-asa sa local showbiz

June 25, 2020

SA 18 seasons ng  American Idol singing competition in the U.S., tatlo nang Filipino-American contenders ang  pumasok sa Top 5 na sinimulan ni Jasmine Trias – 33  (from Honolulu, Hawaii) bilang third placer sa third season ng American Idol na sinundan ni Jessica Sanchez (ng California, USA) - 24 as second placer or first runner-up sa 11th season in 2012.  Pangatlo si Francisco Martin (19) ng San Francisco, California na pumasok sa Top 5 sa 18th season and most recent edition ng nasabing singing competition.

After the grand finals nung May 17, 2020 ng American Idol kung saan pumasok sa Top 5 si Francisco, wala nang gaanong narinig mula sa kanya lalupa’t nasa gitna pa rin ang Amerika (and the rest of the world including the Philippines) ng Covid-19 pandemic.

Although singing is his passion, desidido umano si Francisco na tapusin ang kanyang pag-aaral.  Isa siyang pre-law student sa College of San Mateo in California, USA at suportado siya ng kanyang Filipino parents na sina Fatima at Jon Martin.

Kapag naibalik na sa normal ang pamumuhay ng lahat, maganda siguro kung susubukan ni Francisco ang kanyang singing and showbiz career sa Pilipinas kung saan siya may magandang chance na makilala nang husto dahil sa kanyang singing talent and good looks.