Franco kahit isang Laurel, walang hilig sa pulitika

April 21, 2019
Franco Laurel

NAKAKULONG ang karakter ni Franco Laurel sa Ang Probinsyano sa ngayon pero hindi pa raw niya alam kung saan ito pupunta. Nagpapasalamat siya na hindi pa siya pinapatay ni Cardo (played by Coco Martin).

"Nagpapasalamat lang ako na buhay pa ako,” sabi ni Franco na anim na buwan na kasali sa cast ng top-rating serye ng Kapamilya network.

Biro ng press sa kanya, hindi naman kasi siya candidate for any elective position kaya hindi pinatay ang character niya sa Ang Probinsyano, unlike Edu Manzano who is running for Congress and Lito Lapid na tumatakbong senador.

Kahit na galing siya sa isang pamilya na kilala sa larangan ng politika, never naging interesado sa pagpasok sa politics si Franco. Inalok na raw siya before na tumakbo for a political post pero tinanggihan niya ito.

Samantala, kasama siya sa pelikulang Maledicto at tatlong beses raw niyang binasa ang script nito. Hindi raw niya kasi agad matapos sa unang pagbasa dahil sobrang intense ang dating ng script.

“Sobrang ganda ng script pero kakaiba ang kwento at dating nito kaya tatlong beses ko ito binasa bago ko ito natapos. Pero desidido na ako na tanggapin ang offer to play the role of the priest na boss ni Tom Rodriguez sa film,” kwento ni Franco.

Nakakita na rin si Franco ng sinasapian kaya alam niya how scary it is. Nangyari kasi ito sa isang kakilala niya.

Sabi pa Franco, tiyak daw na magugustuhan ng mga mahihilig sa horror films ang Maledicto dahil kakaiba ang dating ng horror nito, bukod sa maganda ang kwento.