Gab inaming muntik nang magpakamatay

September 13, 2019

INAMIN ni Gab Valenciano, second son ng mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan-Valenciano na dalawang beses siyang nag-attempt na mag-suicide nung siya’y magkaroon ng depression sa kanyang buhay.  There was a time na gusto niyang tumalon mula sa ika-22nd floor ng isang condo at maglaslas sa kanyang pulso but he is thankful na hindi ito natuloy dahil sa strong support ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.  He is now a changed man dahil na rin sa kanyang strong faith.  Doon din lubos na naunawaan ni Gab na kailangan ng strong support system ng pamilya kung ang isang tao ay dumaranas ng depression.

Ang isa pang nagpapasaya ngayon kay Gab ay ang kanyang bagong girlfriend, ang non-showbiz na si Joann Santiago.

Si Gab ay hiwalay na sa kanyang ex-wife na si Tricia Centenera in 2016 na tatlong beses niyang pinakasalan – sa isang civil wedding in the US nung 2014, church wedding in Tagaytay at beach wedding in Boracay na parehong nangyari in 2015.  Pero the following year ay nagkahiwalay ang (dating) mag-asawa.

Tricia has already a baby girl with her new partner na isang real estate developer na si Duane Santos na ang relasyon ay nagsimula nung 2017.