Gabbi Garcia todo paghahanda sa pagsabak sa action

May 29, 2019
Gabbi Garcia

SA latest Instagram video na ipinost ng Kapuso actress at global endorser na si Gabbi Garcia, makikita na nag-e-ensayo ito sa paghawak at pagpapaputok ng baril bilang paghahanda sa kanyang upcoming GMA series. Pinasalamatan ni Gabbi ang three-time speed shooting champion na si Jethro Dionisio na nagsilbing mentor niya sa shooting range. Bukod sa pagiging fast learner na ikinatuwa ng kanyang mentor, marami ring netizens ang napahanga ni Gabbi sa postura nito sa paggamit ng baril.

Biro ng Instagram user na si ladytulio, “Hindi na brilyante ang hawak” dahil matatandaang ginampanan ni Gabbi ang karakter ni Alena sa remake ng Encantadia noong 2016.

Obviously, bagong Gabbi na naman ang matutunghayan ng Kapuso viewers sa latest show niya kung saan makakasama rin ang iba pang members ng powerhouse cast nito na sina Chanda Romero, Tonton Gutierrez, Thea Tolentino, Gil Cuerva, Jeric Gonzales, Kristoffer Martin, Luz Valdez, Aubrey Miles, Victor Neri, Roi Vinzon, Betong Sumaya at ang nagbabalik-Kapuso na si Eddie Garcia.