Gabbi trending ang pa-house tour 

July 14, 2020
Gabbi Garcia
Gabbi Garcia

MATAGAL nang nire-request ng fans at YouTube subscribers ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia ang house tour niya. 

Finally noong nakaraang Sabado ay ini-upload na ito ni Gabbi at as of this writing, may higit 770,000 views na ito. “Urban jungle” at “tropical glam” ang theme na napili nila para sa bahay, pero dahil daw sa green accents ay madalas mapagkamalang “Alena-inspired” o mula sa character niya sa ‘Encantadia’ ang overall design. Sey ng followers niya, sana raw ay room tour naman ang sunod na i-upload ni Gabbi.

Samantala, patuloy pa ring napapanood si Gabbi sa rerun ng Encantadia gabi-gabi sa GMA Telebabad.