Gabby Concepcion tinakam ang manonood ng vlog

July 01, 2020
Gabby Concepcion

TINAKAM ni Gabby Concepcion ang netizens sa version niya ng sinampalukang manok na ibinahagi niya sa kanyang latest vlog.  

Game na game si Gabby sa pagtuturo sa kanyang fans ng recipe gamit lamang ang five easy steps.  

Kasalukuyan pa rin siyang naninirahan sa beach house niya sa Lobo, Batangas habang hindi pa nagsisimulang mag-taping ulit. Mapapanood pa rin naman siya sa rerun ng GMA Afternoon Prime drama series na 'Ika-6 Na Utos.'