Gabby umiiwas ba sa press?

April 25, 2019
Gabby Concepcion and Jennylyn Mercado
Jennylyn Mercado and Gabby Concepcion

SA presscon ng Love You Two na bagong series sa GMA 7 kasama ni Jennylyn Mercado, kaagad na umalis si Gabby Concepcion.

May mga nagsasabi na baka umiiwas ito sa mga press people. May kinakaharap siyang usapin tungkol sa diumano'y property squabble na ipinaglalaban ng kanyang mga kapatid bilang suporta sa kanilang ina.

Sa presscon ng pelikulang Man and Wife na pinagtatambalan nila ni Jodi Sta. Maria (base sa radio at TV series noon na Gulong ng Palad), hindi dumalo si Gabby.

May mga naghihinala na umiiwas ang aktor sa mga tanong tungkol sa kanyang buhay. Ayon naman sa mga nagha-handle sa aktor, may pressing matters siyang dapat munang harapin.

Panay naman ang papuri ng kanyang leading lady na si Jodi at direktor na si Laurice Guillen na matagal niyang nakatrabaho sa hit series na Ika-Limang Utos sa GMA7.

Well, hintayin na lang natin na magsalita si Gabby para tuluyang natuldukan ang isyung ito.